PAULINES

Mabuting Balita l Disyembre 20, 2022 – Martes


Listen Later

Mabuting Balita l Disyembre 20, 2022 – Martes

Ika - 4 na Linggo ng Adbiyento



Ebanghelyo: Lucas 1:26-38

Sa ikaanim na buwan, isinugo ng Diyos ang Anghel Gabriel sa isang bayan ng Galilea na tinatawag na Nazaret. Sinugo ito sa isang birhen na ipinagkasundo na sa isang lalaking nagngangalang Jose mula sa sambahayan ni David; at Maria naman ang pangalan ng Birhen. Pumasok ang anghel at sinabi sa kanya: “Matuwa ka, O puspos ng grasya sumasaiyo ang Panginoon.” Nabagabag naman si Maria dahil sa pananalitang ito at pinagwari kung ano ang pagbating ito. At sinabi ng Anghel sa kanya: “Huwag kang matakot, Maria, dahil may magandang niloloob ang Diyos para sa iyo. At ngayo'y maglilihi ka at manganganak ng isang lalaki na pangangalanan mong Hesus. Magiging dakila siya at tatawagin siyang Anak ng Kataas-taasan, at ibibigay sa kanya ng Panginoong Diyos ang trono ng kanyang ninunong si David. Maghahari siya sa angkan ni Jacob magpakailaman; talaga ngang walang katapusan ang kanyang paghahari.” “Paanong mangyayari ito gayong hindi ako ginagalaw ng lalaki?” “Papanaog sa iyo ang Espiritu Santo at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataas-taasan kaya magiging banal ang isisilang at tatawaging Anak ng Diyos. At nagdalantao naman ngayon ang pinsan mong si Elizabeth sa kabila ng kanyang katandaan, at nasa ikaanim na buwan na siyang itinuturing na baog. Wala ngang imposible sa Diyos.” “Narito ang utusan ng Panginoon, mangyari nawa sa akin ang iyong sinabi.” At nilisan siya ng Anghel

Pagninilay:

Tinatawag na Missa Aurea o Ginituang Misa ang ating pagdiriwang sa araw na ito. Dahil sa ipinapahayag ng ating Ebanghelyo ang pagtangap ni Maria sa ipinahayag sa kanya ni San Gabriel. Sa pagtugon ni Maria sa paanyaya ng Diyos na maging in ani Hesus naisakatuparan ang planong kaligtasan. Kaya itinuturing nating modelo si Maria ng pagtugon sa Diyos. Subalit ano ang ating maaring maging pagninilay sa misteryong ito ng pagbabalita ng Anghel ng Diyos kay Maria? Una, maaring dumating ang pagtawag o ang paanyaya ng Diyos sa gitna na pangakaraniwan. Marahil ay tila isang normal na araw lang ito kay Maria. Inaasahan niyang sumikat at lulubog ang araw tulad ng bawat lumilipas na araw ng ating buhay kasama ng kanyang pangkaraniwang plano. Subalit sa pagkakataon na yun, niloob ng Diyos na pumasok at maka-isa tayo sa kanyang pagkakatawang tao. Subalit kinakailangan ng Diyos ang ating pagtugon upang maganap ang lahat ng ito at maging kaisa sa kanyang plano. Pangalawa, magkaroon nawa tayo ng lakas ng loob upang tumugon sa paanyaya sa ating ng Diyos. Marahil ay hindi lubos na nauunawaan ni Maria ang ipinahayag ng Anghel. Subalit buong tapang at bukas loob niyang tinanggap ito. Nagtiwala ng lubusan si Maria sa Diyos. Kaya nga sinasabi natin na ang kalakasan ng loob ay nakikita hindi sa ating katatagan kundi sa pagtitwala sa Diyos. - Fr. Keiv Aires Dimatatac, SSP | Society of St. Paul

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings