Sign up to save your podcasts
Or

Mabuting Balita l Disyembre 22, 2022 – Huwebes
Ika - 4 na Linggo ng Adbiyento
Ebanghelyo: Lucas 1:46-56
Sinabi ni Maria: dinadakila ng aking kaluluwa ang Panginoon at nagagalak ang aking espiritu sa Diyos na aking tagapagligtas dahil isinaalang-alang niya ang balewalang utusan niya, at mula ngayon, ituturing akong mapalad ng lahat ng salinlahi. Dakila nga ang ginawa sa akin ng May kapangyarihan, banal ang kanyang pangalan. Patuloy ang kanyang awa sa mga sali’t salinlahi. para sa mga may pitagan sa kanya. Ipinakita niya ang lakas ng kanyang bisig, Ipinagtabuyan ang mga taong may mapagmataas na balak. Pinatalsik niya sa luklukan ang mga may kapangyarihan, itinampok naman ang mga balewala. Binusog niya ng mabubuting bagay ang mga nagugutom, at itinaboy namang walang-wala ang mga mayayaman. Nilingap niya ang Israel na kanyang lingkod, Inaalala ang kanyang awa sa ayon sa ipinangako niya sa ating mga ninuno, Kay Abraham at sa kanyang angkan magpakailan man.” Mga tatlong buwan nanatili si Maria kasama ni Elizabeth at saka nagbalik sa kanyang bahay.
Pagninilay:
Bahagi ng Paskong Pilipino ang masasayang salu-salo o pagtitipon ng pamilya, ng magkakaibigan, at magkakasama sa trabaho, lalo’t higit nabawasan na ang Pandemic restrictions ngayon. At dahil hindi nakapagdiwang ng Pasko nang face-to-face sa mga nakaraang taon, babawi sa pagdiriwang dahil namiss ang isa't isa. Nandyan ang sunud-sunod na handaan, kabi-kabilaan na Christmas parties at kainan. Ang iba marahil ay busug na busog na; nagsasabi, suko na, o konti na lamang kakainin sa Noche Buena o Media Noche! Sa Magnificat, nagpupuri at nagpapasasalamat sa Diyos si Maria sa kamangha-manghang pagpapala at pagtupad ng Diyos sa kanyang pangako sa kanyang bayan. Alam ng Diyos kung ano ang higit na mabuti at nararapat sa kanyang mga minamahal na anak kaya naman sa halip na pagkain lamang ang ipambubusog ng Diyos, higit pa roon ang ibinibigay niya sa atin (cf. Lk 1:53). Tunay na hindi lamang tayo sa tinapay nabubuhay, kundi sa bawat salitang nagmumula sa bibig ng Diyos (cf. Mt 4:4; Lc 4:4). Hindi lamang materyal na bagay tulad ng pagkain ang bumubusog sa tao o kaya pera o Christmas bonus, 13th/14th month pay ang nagpapasaya sa atin—nariyan ang pag-ibig, kagalakan, kapanatagan o kapayapaan ng kalooban, kapatawaran. Ngayong Pasko, nawa mabusog hindi lamang ang ating tiyan, kundi mabusog ang puso o kalooban sa tunay na diwa ng Pasko—ang presensya mismo ng Diyos, ang presensya natin sa bawat isa. – Fr. Angelo Paolo Asprer, SSP | Society of St. Paul
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings