PAULINES

Mabuting Balita l Disyembre 23, 2022 – Biyernes


Listen Later

Mabuting Balita l Disyembre 23, 2022 – Biyernes

 Ika - 4 na Linggo ng Adbiyento



Ebanghelyo: Lucas 1:57-66

Nang sumapit na ang panganganak ni Elizabeth, isang anak na lalaki ang isinilang niya. Narinig ng mga kapitbahay at mga kamag-anakan n’ya kung gaano nagdadalang-awa sa kanya ang Panginoon kayat nakigalak sila sa kanya. Nang ikawalong araw na, dumating sila upang tuliin ang sanggol at pangangalanan sana nila itong Zacarias gaya ng kanyang ama. Sumagot naman ang kanyang ina: “Hindi, tatawagin siyang Juan.” “Wala ka namang kamag-anak na may ganyang pangalan.” Kaya sumenyas sila sa ama ng sanggol kung ano ang gusto niyang itawag dito. Humingi siya ng isang sulatan, at sa pagtataka ng lahat ay kanyang isinusulat: “Juan ang pangalan niya.” Noon di’y nabuksan ang kanyang bibig at nakalag ang kanyang dila. Nakapagsalita siya at nagpuri sa Diyos. Kaya namayani ang banal na pagkatakot sa kanilang kapitbahay. At naging usap-usapan ang lahat ng pangyayaring ito sa buong mataas na lupain ng Juda. Nag-isip-isip ang mga nakarinig at nagtanungan: “Ano na kaya ang mangyayari sa sanggol na ito?” dahil sumasakanyang talaga ang kamay ng Panginoon. Pagninilay:

What’s in a name? Alam mo ba ang ibig sabihin ng pangalan mo? O ba’t ‘yan ang napiling pangalan ng magulang mo? Gusto mo ba ang pangalang binigay sa’yo ng magulang mo? Ano mang pangalan ang binigay sa atin ng ating magulang, natitiyak kong may mabuti silang hangarin, at ito’y para sa ating kabutihan at mamuhay tayong kalugod-lugod sa Diyos.

Sa Mabuting Balita ngayon, narinig natin ang pagpangalan ni Isabel sa kanyang anak na “Juan” na ang ibig sabihin “God is gracious,” “Mapagpala ang Diyos.” At ito’y kinumpirma ng kanyang asawang si Zacarias, na Juan ang itatawag sa bata. Bagay na ikinagulat ng kanilang kamag-anakan at kapitbahay, dahil wala sa kanilang angkan ang may pangalang gayon. Matagal nilang hinangad magkaroon ng anak. Dumating sila sa puntong parang imposible na silang magkaanak pa, dahil kapwa sila matanda na. Saka naman, nanghimasok ang Diyos sa kanilang buhay-mag-asawa, at pinagkalooban sila ng anak. Kaya marapat lamang na Juan ang ipinangalan nila sa bata. Dahil bunga siya ng kagandahang loob ng Diyos sa kanila.

Mga kapanalig, masasabi nating tunay na walang imposible sa Diyos! At tunay niyang pinagpapala, ang lubos na nananalig at umaasa sa Kanyang kagandahang loob. Dininig ng Diyos ang taimtim na hangarin ng puso nina Zacarias at Isabel, at pinagkaloob ang kanilang kahilingan sa panahong Kanyang itinakda. Kapanalig, meron ka bang kahilingang matagal nang isinusumamo sa Diyos? Inip na inip ka na ba, at nawawalan na ng pag-asa? Inaanyayahan ka ng Panginoon ngayon na patuloy na manalig at magtiwala sa Kanyang kagandahang-loob. Dahil kung tunay itong makabubuti sa’yo, ipagkakaloob Niya ang iyong kahilingan sa panahong Kanyang itinakda. Trust in God’s perfect timing!

– Sr. Lines Salazar, fsp | Daughters of St. Paul

Panalangin:

Panginoon, dagdagan mo ang aking pananampalataya. Nang huwag akong manghinawang manalig na ipagkakaloob Mo ang aking kahilingan sa panahong Iyong itinakda, kung ito’y makakabuti sa akin. May Your will and not mine be done, O Lord, amen.

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings