Sign up to save your podcasts
Or

Mabuting Balita l Disyembre 25, 2022 – Linggo
Pasko ng Pagsilang ng Panginoon
Juan 1:1-18
Sa simula’y may Wikang-Salita na nga, at kaharap ng Diyos ang Salita, at Diyos ang Salita. Kaharap na nga siya ng Diyos sa simula. Sa pamamagitan niya niyari tanang mga bagay, at kung wala siya, walang anumang nayari. Ang nayari ay buhay sa kanya, at liwanag ng mga tao ang buhay. Sa karimlan sumisikat ang liwanag at hindi ito nahadlangan ng karimlan. May taong sinugo ang Diyos—Juan ang kanyang pangalan. Dumating siya para magpatotoo, para magpatotoo tungkol sa liwanag, upang maniwala ang lahat sa pamamagitan niya. Hindi ‘yon liwanag, kundi patotoo tungkol sa Liwanag. Pagkat paparating noon sa mundo ang Liwanag na totoo na siyang tumatanglaw sa bawat tao. Bagamat nasa mundo siya at sa pamamagitan n’ya nagawa ang mundo. Hindi s’ya kilala ng mundo. Sa sariling kanya s’ya pumarito at hindi siya tinanggap ng mga kanya. Ngunit sinumang tumanggap sa kanya sa paniniwala sa kanyang Pangalan, binigyang kakayahan nga sila na maging mga anak ng Diyos. Hindi mula sa dugo ang kanilang pagsilang, ni mula sa kagustuhan ng laman ni sa kagustuhan ng lalaki kundi mula sa Diyos. At naging laman ang Wikang-Salita at itinayo ang kanyang tolda sa atin, at nakita natin ang kanyang kaluwalhatian, ang kaluwalhatiang mula sa Ama na bagay para sa bugtong na Anak, kaya lipos siya ng kagandahang-loob at katotohanan. Nagpatotoo sa kanya si Juan at isinisigaw: “Siya ang aking tinutukoy: nagpauna na sa akin ang dumating na kasunod ko, sapagkat bago ako’y siya na.” Mula sa kanyang kapuspusan nga tumanggap tayong lahat, oo, abut-abot na kagandahang loob. Sa pamamagitan ni Moises ibinigay ang Batas, sa pamamagitan ni Hesukristo naman dumating ang kagandahang-loob at ang katotohanan. Kailanma’y walang sinumang nakakita sa Diyos; ang Bugtong na Anak lamang ang nagpahayag sa kanya, siya ang nasa kandungan ng Ama.
Pagninilay:
Anong maganda sa Pasko? Bakit maganda ang Pasko? Kasi may magandang balita! May magandang nangyari! Naging tao ang Anak ng Diyos! "Sa simula'y may Wikang Salita na nga at kaharap ng Diyos ang Salita at Diyos ang Salita... At naging laman ang Wikang Salita." Ang ay pasko ay isang paalala kung gaano kaganda ang tao, kung gaano tayo kaganda. Sa aklat ng Genesis nasusulat: "Lalangin natin ang tao na ating larawan at kahawig…" (1:26) Kahawig ng Diyos ang tao. Sa ebanghelyo naman ni Juan nasusulat na: “Nagkatawang-tao ang bugtong na Anak ng Diyos; naging larawan at kahawig ng tao ang Diyos.” The best affirmation is imitation. Sabi ng Diyos sa atin: "Maganda ka. Mabuti ka. Kahanga-hanga ka. Mahalaga ka. Dakila ka." Huwag nating kalilimutan ‘yun. Namuhay sa piling natin ang Diyos: “The Word became flesh and dwelt among us,” dahil mahal tayo ng Diyos. "Why do people cry when they hear the word 'Goodbye' in a love song? Because LOVE is about PRESENCE. Kaya malungkot tayo at umiiyak tayo pag napapahiwalay sa minamahal; lalo na kung nawawala sa piling natin ang minamahal dahil sa kamatayan. Naparito ang Anak ng Diyos para samahan tayo at para makasama tayo. At hindi nya tayo iiwan kahit kailan: "Kasama ninyo ako sa lahat ng araw hanggang sa wakas ng Panahon." (Mt 28: 20) MALIWANAG ANG PASKO! Mailaw o maraming ilaw pag Pasko. Mahirap isipin ang Paskong madilim: "Pagkat paparating noon sa mundo ang Liwanag na totoo na siyang tumatanglaw sa bawat tao." (Jn 1: 9) Ang Panginoong Jesus ang ILAW na nagbigay-liwanag sa mundong dating nababalot sa kadiliman ng kasalanan ng mga tao. Totoong laganap pa rin ang kasalanan at kasamaan sa mundo. Pero hindi katulad noong bago pa dumating ang Kristo, ngayon ay mayroon ng pag-asa para sa pagbabago. May kapatawaran na sa ating mga kasalanan at may kakayahan na tayong talunin ang kasamaan sa pamamagitan ng kabutihan at kabanalang tinanggap natin kay Jesus na nahahayag naman at nagiging mabisa sa pamamagitan ng ating mga gawa.
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings