PAULINES

Mabuting Balita l Disyembre 27, 2022 – Martes


Listen Later

Mabuting Balita l Disyembre 27, 2022 – Martes

Ikatlong araw ng Pagdiriwang ng Pasko ng Pagsilang



Ebanghelyo: Juan 20:2-8

Patakbong pumunta kay Simon Pedro at sa isa pang alagad na mahal ni Hesus si Maria Magdalena. Sinabi n’ya sa kanila, “May kumuha sa Panginoon mula sa libingan, at hindi namin alam kung saan nila siya inilagay.” Kaya lumabas si Pedro at ang isa pang alagad, at pumunta sa libingan. Sabay na tumakbo ang dalawa. Ngunit mas mabilis tumakbo ang isa pang alagad kaysa kay Pedro, at unang nakarating sa libingan. Pagkayukod niya'y nakita niyang naroroon ang mga telang lino. Ngunit hindi siya pumasok. Dumating si Simon Pedro, na kasunod niya, at pumasok siya sa libingan. Nakita niya na nakalatag ang mga telang lino, at ang panyo namang nakatalukbong sa ulunan niya ay di nakalatag gaya ng mga telang lino kundi nakalulon sa mismong lugar nito. Pumasok noon ang isa pang alagad, ang unang nakarating sa libingan, at nakita niya at naniwala siya.

Pagninilay:

Kapistahan ngayon ni San Juan ang Ebangelista, ang tinatanging disipulo o ang alagad na pinakamamahal ng ating Panginoon. Sa Mabuting Balitang siya rin ang may akda, pinakikilala kung papaano kahit ngayon panahon ng kapaskuhan, ang eksena ng muling pagkabuhay. Naroon ang San Pedro kasa-kasama na alagad na pinakamamamahal ng Panginoon, nagmamadaling pumunta doon sa pinaglibingan ng ating Panginoon. Na makita nila na wala doon ang bangkay ng ating Panginoon, ang sambit sa huling bahagi ng mabuting balita ang minamahal na alagad ay pumasok din sa libingan, nakita niya at naniwala siya.

Sa pagtitiwala, pananampalataya, at pananalig ni San Juan naroon din ang kakambal ng kanyang napakalalim na pagmamahal sa ating Panginoon. Hilingin natin ang dalawang biyayang ito na pareho nating pagtambalin sa ating pag araw-araw na buhay: Ang malalim na pananalig at masidhing pagmamahal sa ating Panginoon. Isabuhay nawa natin ito sa pamamagitan ng pagmamahal at pagmamalasakit sa ating kapwa.

- Fr. Eugene Dominic Hechanova | Archdiocese of Lipa

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings