Sign up to save your podcasts
Or

Mabuting Balita l Disyembre 28, 2022 – Miyerkules
Ikaapat araw ng Pagdiriwang ng Pasko ng Pagsilang
Ebanghelyo: Mateo 2: 13-18
Pagkaalis ng mga pantas, nagpakita kay Jose ang Angel ng Panginoon sa panaginip at sinabi: “Bumangon ka, dalhin mo ang sanggol at ang kanyang ina at tumakas pa-Ehipto. Manatili ka roon hanggang sa tawagin ko kayo. Hahanapin nga ni Herodes ang sanggol para patayin.” Bumangon si Jose, at nang gabi ring iyo'y dinala ang sanggol at ang ina nito pa-Ehipto. Doon sila nanirahan hanggang mamatay si Herodes. Sa ganito natupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng mga Propeta: “Tinawag ko ang aking anak mula sa Ehipto.” Nagalit naman si Herodes nang malaman nito na napaglalangan siya ng mga pantas. Kaya inutos niyang patayin ang lahat ng batang lalaki sa Betlehem at mga karatig nito, mga batang may dalawang taong gulang pababa, batay sa panahon ng pagsikat ng tala ayon sa mga pantas. Kaya nagkatotoo ang sinabi ni Propeta Jeremias: “Narinig sa Rama ang pagtangis, iyakan at malakas na panaghuyan: iniiyakan ni Raquel ang kanyang mga anak at ayaw paaliw pagkat wala na sila.”
Pagninilay:
Pro-life ka ba? Handa ka bang ipagtanggol ang buhay? Ang massacre ng mga sanggol sa Belen na napakinggan natin sa ebanghelyo, ay hindi pa tapos. Nagpapatuloy pa ito ngayon sa pamamagitan ng abortion at infanticide. Maliit lang ang area ng Betlehem, kaya malamang na ang mga sanggol na pinatay ay few thousands lang. Ngayon ang mga biktima ng abortion sa buong mundo ay millions. Sa Betlehem ang nagpapatay sa mga sanggol ay si Herodes, ang haring sakim. Ngayon, ang nagpapatay sa mga sanggol ay ang kanilang mismong ina! Sila yong mga subscriber ng Pro-Choice Movement na nagsasabing ang babae ay may karapatang magdesisyon tungkol sa buhay ng nilalang sa kanyang sinapupunan.
Ang ating buhay ay galing sa Diyos at Siya lang ang may karapatan dito. Ibinahagi Niya sa atin dahil sa Kanyang pagmamahal. Nais Niyang mamuhay tayo ng ganap at masaya: dito sa lupa at sa walang - hanggan sa langit. Bilang pasalamat dapat nating pangalagaan ang buhay na dulot ng Diyos, ‘di ba? Kalingain ang sarili, ang kapwa-tao, ang kalikasan, at higit sa lahat, ang buhay espiritwal.
Bilang mga Kristiyano, tinatawagan rin tayong manindigan laban sa kultura ng kamatayan. Paano natin ito maisabuhay? Gamitin natin ang social media upang maisiwalat ang ebanghelyo, ang katotohanang makapagligtas.
– Sr. Evangelina Canag, fsp | Daughters of St. Paul
Panalangin:
Panginoon, bigyan Ninyo kami ng lakas espiritwal upang maging matibay kaming haharap sa pwersa ng kadiliman. Amen.
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings