Sign up to save your podcasts
Or

Mabuting Balita l Disyembre 29, 2022 – Huwebes
Ikalima na araw ng Pagdiriwang ng Pasko ng Pagsilang
Ebanghelyo: Luke 2:22-40 -35
Nang dumating na ang araw ng paglilinis nila ayon sa Batas ni Moises, dinala ang sanggol sa Jerusalem upang iharap sa Panginoon--tulad ng nasusulat sa Batas ng Panginoon: Lahat ng panganay na lalaki ay ituturing na banal para sa Panginoon. Dapat din silang mag-alay ng sakripisyo tulad ng binabanggit sa Batas ng Panginoon: isang pares na batubato o dalawang inakay na kalapati. Ngayon sa Jerusalem ay may isang taong nagngangalang Simeon; totoong matuwid at maka-Diyos ang taong iyon. Hinihintay n’ya ang pagpapaginhawa ng Panginoon sa Israel at sumasakanya ang Espiritu Santo. Ipinaalam naman sa kanya ng Espiritu Santo na hindi s’ya mamamatay hangga’t hindi n’ya nakikita ang Mesiyas ng Panginoon. Kaya pumunta siya ngayon sa Templo sa pagtutulak ng Espiritu, nang dalhin ng mga magulang ang batang si Hesus para tuparin ang kaugaliang naaayon sa Batas tungkol sa kanya. Kinalong siya ni Simeon sa kanyang braso at pinuri ang Diyos, at sinabi: “Mapayayaon mo na ang iyong utusan, Panginoon, nang may kapayapaan ayon na rin sa iyong wika; pagkat nakita na ng aking mga mata ang iyong pagliligtas na inihanda mo sa paningin ng lahat ng bansa, ang liwanag na ibubunyag mo sa mga bansang pagano at ang luwalhati ng iyong bayang Israel.” May isa ring babaeng propeta, si Ana na anak ni Panuel na mula sa tribu ng Aser. Matandang-matanda na siya. Pagkaalis ng bahay sa kanyang ama, pitong taon lamang silang nagsama ng kanyang asawa, at nagbuhay biyuda na siya at hindi na siya umaalis sa Templo. Araw-gabi siyang sumasamba sa Diyos sa pag-aayuno at pananalangin. Walumpu’t-apat na taon na siya. Sa pag-akyat niya sa sandaling iyon, nagpuri rin siya sa Diyos at nagpahayag tungkol sa bata sa lahat ng naghihintay sa katubusan ng Jerusalem. Nang matupad na ang lahat ng ayon sa Batas ng Panginoon, umuwi sila sa kanilang bayan, sa Nazaret sa Galilea. Lumaki at lumakas ang bata; napuspus siya ng karunungan at sumasakanya ang kagandahang-loob ng Diyos
Pagninilay:
Taong 2021, nagsurvey ang Global Attitude Surveys na may katanungang: What makes life more meaningful? Young adults: Family, Friends, Career. Middle aged: Family, Career, Material security. Old aged: Family, Material Security, Health. Kung susumahin, mahalaga po sa lahat ng antas ng edad ang pamilya, relasyon. Sa Mabuting Balita ngayong ika-limang araw matapos ang pasko, tampok si Simeon. Sinabi sa atin na siya’y matanda na at naghihintay na ng kanyang pagyao. Ngunit, buong buhay tinatanong ni Simeon ang sarili—what makes my life meaningful? Hanggang isang araw, sa paggabay ng Espiritu ng Diyos, pumunta siya sa templo at doon natagpuan ang tunay na saysay at kahulugan ng kanyang pag-iral—si Hesus! Ang pinananabikang Mesiyas at manunubos ng lahat. Sana matularan natin ang buhay ni Simeon. Hinayaan niyang gabayan siya lagi ng Espiritu ng Diyos upang maganap ang kalooban ng Diyos sa kanyang buhay. Kaya naman, nakita niya ang Mesiyas ng Diyos—dahil dito’y naging ganap ang kanyang kagalakan at buhay. Who gives meaning and hope to our lives? Jesus—the new-born child in our hearts! – Cl. Vinz Aurellano, SSP | Society of St. Paul
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings