PAULINES

Mabuting Balita l Disyembre 3, 2022 – Sabado


Listen Later

Mabuting Balita l Disyembre 3, 2022 – Sabado

Unang Linggo ng Adbiyento



Ebanghelyo: Mt 9:35—10:1, 5a, 6-8

Nilibot ni Hesus ang mga bayan at mga nayon; nagtuturo siya sa kanilang mga sinanoga, nagpapahayag ng Mabuting Balita ng Kaharian at nagpapagaling ng lahat ng sakit at karamdaman. Nang makita niya ang makapal na tao, naawa siya sa kanila sapagkat hirap sila at lupaypay na parang mga tupang walang pastol. At sinabi niya sa kanyang mga alagad: “Marami nga ang aanihin at kakaunti naman ang mga manggagawa. Idalangin ninyo sa Panginoon ng ani na magpadala siya ng mga manggagawa sa kanyang ani.” Tinawag ni Hesus ang labindalawa niyang alagad at binigyan sila ng kapangyarihan sa maruruming espiritu para palayasin ang mga ito at pagalingin ang lahat ng sakit at karamdaman. Sinabi ni Hesus sa kanila: “Hanapin ninyo ang nawawalang tupa ng sambayanan ng Israel. Ipahayag ang mensaheng ito sa inyong paglalakbay: ‘Palapit na ang kaharian ng Langit.’ Pagalingin ang maysakit, buhayin ang patay, linisin ang mga mayketong at palayasin ang mga demonyo. Ibigay ninyo nang walang bayad ang tinanggap ninyo nang walang bayad.”

Pagninilay:

Kapanalig, kaya mo bang sabihin ngayon, na: “The Kingdom of God is at hand”? Sa mga encounters ko sa mga young people, isa ito sa mga tanong. “Sister, how can I proclaim that the Kingdom is at hand?” “How safe is my message?” Baka mamaya, kapag nagcreate ako ng ‘reel’ na “Narito na ang Kingdom of God”, baka ibash ako. “Ano po ang proof na malapit na ang Kaharian ng Diyos?”. Nainspire akong balikan ang ganitong mga questions lalo na tungkol sa issues sa cyberworld. Paano nga ba i-shout out si Lord sa social media? Sa mundo ng instant communication, totoo na may risk ang bawat message natin na pwedeng madistort. May mga issues na tungkol sa moral teaching ng ating Simbahan na nagiging superficial ang pagbasa sa text o namimisinterpret ang image. O kaya, nilalaktawan ang post dahil they are not interested. Dito sa pang-araw-araw nating Mabuting Balita, wala pa sa 5% kung ikukumpara sa mga gumagawa ng short videos tungkol sa infidelity sa asawa. Sa Tiktok na kunwari Christmas message at very entertaining pero offensive naman; sa mga news tungkol sa mga sikat na artista, na hanggang sa huli ng video, walang conclusion ang kanilang balita. Laging bitin, pero millions ang views. Mayroon pa na deceiving ang title ng post, pang-come on lang pala para mag-monitize ang kanilang uploads. Pero, dito sa Mabuting Balita, patuloy pa rin kami, dahil nandito ka. Naririto kayo. Sa mundong social media, where is the Kingdom of God? Narito. Dito sa ating kalooban. Dahil, una, the greatest message of the Father is with us. He is the Word made Flesh. Hindi lang basta text message, hindi lang din siya image message. Siya ang Incarnated Word of the Father na sumasaatin at nagbigay sa atin ng buhay. Ikalawa, The Word made Flesh living in us works through us. Kumikilos Siya sa atin at ginagawa Niya tayong better persons. Ikatlo, the Word of God that is with us and working through us, is to be lived and proclaimed. Kaya kahit na may bashers, kahit may mga trolls, ang mahalaga, gumagawa tayo ng paraan para kuminang ang ngalan ni Jesus. Sabi nga ni San Francisco Javier, ang ating saint of the day, “Many, many people hereabouts are not becoming Christians for one reason: there is nobody to make them Christians.” Advent Season na. Magpapasko na. Simulan nating gisingin ang mga nakaidlip na mga salita, ang mga natutulog na images. Transform them into Good News! Sa panalangin at kababaang loob, tayo mismo ang buhay na saksi ng Kaharian ng Diyos. Deep inside us, may message of love ang ating Panginoon. Once you receive it, pagnilayan at patalabin sa ating gawa! Tapos, umupo at humarap sa cyberworld, icompose ang message at i-send. With God’s mercy and grace, easy lang ang pagproclaim ng Kingdom of God, di ba?  

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings