Sign up to save your podcasts
Or

Mabuting Balita l Disyembre 31, 2022 – Sabado
Ikapitong araw ng Pagdiriwang ng Pasko ng Pagsilang
Ebanghelyo: Juan 1:1-18
Sa simula’y may Wikang-Salita na nga, at kaharap ng Diyos ang Salita, at Diyos ang Salita. Kaharap na nga siya ng Diyos sa simula. Sa pamamagitan niya niyari tanang mga bagay, at kung wala siya, walang anumang nayari. Ang nayari ay buhay sa kanya, at liwanag ng mga tao ang buhay. Sa karimlan sumisikat ang liwanag at hindi ito nahadlangan ng karimlan. May taong sinugo ang Diyos—Juan ang kanyang pangalan. Dumating siya para magpatotoo, para magpatotoo tungkol sa liwanag, upang maniwala ang lahat sa pamamagitan niya. Hindi ‘yon liwanag, kundi patotoo tungkol sa Liwanag. Pagkat paparating noon sa mundo ang Liwanag na totoo na siyang tumatanglaw sa bawat tao. Bagamat nasa mundo siya at sa pamamagitan n’ya nagawa ang mundo. Hindi s’ya kilala ng mundo. Sa sariling kanya s’ya pumarito at hindi siya tinanggap ng mga kanya. Ngunit sinumang tumanggap sa kanya sa paniniwala sa kanyang Pangalan, binigyang kakayahan nga sila na maging mga anak ng Diyos. Hindi mula sa dugo ang kanilang pagsilang, ni mula sa kagustuhan ng laman ni sa kagustuhan ng lalaki kundi mula sa Diyos. At naging laman ang Wikang-Salita at itinayo ang kanyang tolda sa atin, at nakita niya ang kanyang kaluwalhatian, ang kaluwalhatiang mula sa Ama na bagay para sa bugtong na Anak, kaya lipos sa ng kagandahang-loob at katotohanan. Nagpatotoo sa kanya si Juan at isinisigaw: “Siya ang aking tinukoy: nagpauna na sa akin ang dumating na kasunod ko, sapagkat bago ako’y siya na.” Mula sa kanyang kapuspusan nga tumanggap tayong lahat, oo, abut-abot na kagandahang loob. Sa pamamagitan ni Moises ibinigay ang Batas, sa pamamagitan ni Hesukristo naman dumating ang kagandahang-loob at ang katotohanan. Kailanma’y walang sinumang nakakita sa Diyos; ang Bugtong na Anak lamang ang nagpahayag sa kanya, siya ang nasa kandungan ng Ama.
Pagninilay:
Maligayang Pasko pa rin sa inyong lahat! Ngayon ay huling araw ng taong 2022. Bukas ay bagong taon na. Marahil marami sa atin ang nananabik sa mga mangyayari sa taong 2023. Pero siguro marami din sa atin ang nangangamba, natatakot, at nababahala sa mga pagsubok na maaari nating kahaharapin sa bagong taong ito. Sinasabi ni Juan sa ating ebanghelyo: “Nagkatawang-tao ang Salita at nanahang kasama natin.” Bagama’t merong takot at pangamba sa ating mga puso, ang pagkakatawang-tao ng ating Panginoon ay may dalang pangako: “Kasama mo ako.” Kasama mo akong maglalakad kahit sa kadiliman ng iyong buhay. Kasama mo ako sa panahong ika’y natatakot. Kasama mo ako sa pagpasan ng iyong mga krus. Kasama mo ako kapag broken-hearted ka. Kasama mo ako sa iyong kasiyahan, lalo’t higit sa iyong kalungkutan. Kasama mo ako sa bawat daang tatatahakin mo. Nawa ang pangakong ito ay magbigay ng lakas na loob sa atin sa pagpasok natin sa bagong taon.
FR. ANTHONY CAPIRAYAN, SSP
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings