PAULINES

Mabuting Balita l Disyembre 4, 2022 – Linggo


Listen Later

Mabuting Balita l Disyembre 4, 2022 – Linggo

Ikalawang Linggo ng Adbiyento



Ebanghelyo: MATEO 3:1-12

Dumating sa Disyerto ng Judea si Juan Bautista, at nagpahayag “Magbagong buhay kayo, lumapit na ang pag hahari ng langit. Siya ang tinutukoy ni propeta Isaias. Nang sabihing niyang” Naririnig ang sigaw sa disyerto, Ihanda ang daan para Panginoon. Ituwid ang kanyang landas”. Balahibo ng kamelyo ang suot ni Juan, at may sinturong katad sa baywang; at balang at pulot-pukyutan gubat ang kinakain. May mga taga Jerusalem, taga Judea, at mula sa buong rehiyon ng Jordan na pumunta sa kanya. Inaamin nila ang kanilang mga kasalanan. At bininyagan sila ni Juan sa Ilog Jordan. Nang makita niya na lumalapit sa kanya ang ilang Pareseo at Saduceo para mag pabinyag sinabi niya. “Lahi ng mga ulupong, sino ang nag sabi sa inyong matatakas nyo ang darating na pag hatol? Patunayan nyo ang inyong pag babagong buhay. At huwag ipagyabang na si Abraham ang ama namin; sinasabi ko sa inyo na kahit sa mga batong ito makagagawa ang mga anak ang Diyos para kay Abraham. Naka ambana ang panahon sa ugat ng mga puno: para sibakin ang alinmang punong hindi namumungang mabuti at itatapon ito sa apoy. Sa tubig ko kayo bibinyagan para sa pag babagong buhay peru kasunod kong darating ang isang makapangyarihan pa sa akin, hindi nga ako karapatdapat magdala sa kanyang sandalyas: Bibinyagan niya kayo sa Espiritu Santo at sa apoy: Siya ang naka handing magtahipsa lahat ng butil ng trigo. Ipupunin niya ang lahat ng butil sa kanyang kamalig, ngunit susunugin ang mga ipa sa apoy na walang hanggan.”

Pagninilay:

Kaya ba nating tularan ang katangi-tanging katauhan ni San Juan Bautista? Hindi lang siya pinsan ni Hesus, hindi lang siya ang nagbinyag kay Hesus sa ilog ng Jordan, siya ay ehemplo ng nakakamanghang pagpakumbaba at pagmamahal sa Diyos. Hindi ito pabida si Saint John the Baptist, si Hesus ang parating bida sa kanya, sa lahat ng kanyang ginagawa, ang mensahe ni Hesus ukol sa pagsisisi at paghahanda ang kanyang parating banggit. Sa katauhan niya makikita natin ang isang taong may sinceridad at paninindigan sa kanyang ibinibahagi. Siya ay isang taong totoo, taong kampi sa totoo at makatotohanang turo – si Hesus. Inianyayahan tayo ni San Juan Bautista na maging truth-seekers, truth-tellers at living for truth.

- Fr. Samy John Torrefranca, SSP | Society of St Paul


...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings