Sign up to save your podcasts
Or

Mabuting Balita l Disyembre 5, 2022 – Lunes
Ikalawang Linggo ng Adbiyento
Ebanghelyo: LUCAS 5:17-26
Isang araw, nagtuturo si Hesus at nakaupo naman ang mga Pariseo at mga guro ng Batas na galing sa iba’t ibang bayan ng Galilea at Judea at mula sa Jerusalem. Gumagawa ang kapangyarihan ng Panginoon sa kanya na magpagaling. May mga lalaking dumating na dala sa isang papag ang isang lalaking paralitiko. Sinikap nilang dalhin siya at ilagay sa harapan ni Hesus. Nang hindi nila makita kung paano nila madadala ang paralitiko dahil sa dami ng tao, umakyat sila sa bubungan at sa bubong nila idinaan siya pababa na nasa kanyang papag hanggang sa gitna sa harap ni Hesus. Nang makita niya ang kanilang pananalig, sinabi niya: “Kaibigan, pinatatawad ka sa iyong mga kasalanan.” Nagsimula noong mag-isip-isip ang mga guro ng Batas at mga Pariseo: “Talagang iniinsulto ng taong ito ang Diyos. Sino ba ang may kapangyarihang magpatawad ng mga kasalanan? Hindi ba’t ang Diyos lamang?” Ngunit alam ni Hesus ang kanilang mga pag-iisip kaya sinabi niya sa kanila: “Ano ang mga kaisipan ninyong ito? Ano ba ang mas madaling sabihin: ‘Pinatatawad ka sa iyong mga kasalanan’ o ‘Tumayo ka’t lumakad.’? Dapat n’yong malaman na may kapangyarihan sa lupa ang Anak ng Tao na magpatawad ng mga kasalanan.” At sinabi niya sa paralitiko: “Sinasabi ko sa iyo: bumangon ka, dalhin ang iyong higaan at umuwi.” Kapagdaka’y tumayo siya sa harap nila, kinuha ang kanyang higaan at umuwing nagpupuri sa Diyos. Namangha ang lahat at nagpuri sa Diyos. Nasindak nga sila at sinabi: “Nakakita tayo ng mga kagila-gilalas na bagay sa araw na ito!”
Pagninilay:
Napapansin n’yo rin ba na may mga pagkakataon na may lumalapit o inilalapit na may sakit kay Jesus, upang pagalingin nya ito, subalit sa halip na sabihin ni Jesus na, “gumaling ka sa iyong karamdaman,” ang sinasabi nya ay, “ipinatatawad na sa iyo ang mga kasalanan mo?” Tatlong pagninilay para sa mabuting balita ngayon: Una, mas alam ni Jesus kung ano ang tunay na kailangan natin, higit pa sa inaakala nating pangangailangan. Kaya kung minsan humihingi tayo sa kanya, pero iba man ang ibinibigay nya. Later on, mapagtatanto natin na, oo nga ano, tama pala sya. Ang laking tulong ng biyayang ibinigay nya. Pangalawa, nagpapatunay ito na si Jesus ay Diyos. Sabi nga sa verse 21, “tanging Diyos lamang ang makapagpapatawad ng kasalanan.” At pangatlo, maaari nating ilapit kay Jesus ang ating kapwang nahihirapang lumapit sa kanya. Mas matutuwa si Jesus kung hindi tayo nag-iisa sa ating paglapit sa kanya, dahil may akay-akay tayong isa pa.
- Sr. Lou Ranara, fsp | Daughters of St. Paul
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings