Sign up to save your podcasts
Or

Mabuting Balita l Disyembre 6, 2022 – Martes
Ikalawang Linggo ng Adbiyento
Ebanghelyo: MATEO 18: 12-14
Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Ano sa palagay ninyo? Kung may sandaang tupa ang isang tao at naligaw ang isa sa mga ito, hindi ba niya iiwan sa kaburulan ang siyamnapu’t siyam para hanapin ang naliligaw? At sinasabi ko sa inyo: Kapag nakita niya ito, mas matutuwa pa siya rito kaysa siyamnapu’t siyam na hindi naligaw. Gayundin naman, ayaw ng inyong Amang nasa Langit ang mawala ang isa man sa maliliit na ito.”
Pagninilay:
Sa Mabuting Balita, tayo ay binibigyan ng Diyos ng paalala at babala na dapat sa kanya tayo lubos na magtiwala upang di tayo mawala. Sa reyalidad ng ating buhay, sinasabi na tayo bilang tao ay may sarili kahinaan na nagdadala sa atin sa kasalanan. Kung minsan tayo ay lumalabis sa kung ano ang hindi dapat at nagkukulang sa kung anong dapat. Anumang kalabisan at kakulangan bunga ng ating kahinaan ay parehong kasalanan, at maaring konkretong indikasyon na tayo ay nawala, nawawala o mawawala pa lamang. Kaya upang tayo ay di mawala, tayo ay sa Diyos magtiwala. Upang lubos tayong makapagbigay ng tiwala sa Diyos na tunay na nagpapala, kailangan saglit na paghinto ang kailangan: Pause, Pray and Use Self Evaluation. Sa pagbibigay ng tiwala sa Diyos na nagpapala, kailangan muna nating magpakababa, upang ang Diyos ay lubos din nating makilala. Kaya masasabi natin na: ‘Ang taong sa Diyos ay kumikilala at nagtitiwala ay lalong pinagpapala at kailanman ay hindi na mawawala. At ang taong hindi kumikilala at nagtitiwala, biyaya at pagpapala lalong nawawala.” Mabuting mabigyan din ng diin ngayong panahon ng paghahanda sa Dakilang Kapistahan ng Pasko ng Pagsilang ng ating Panginoon, ang natura at kalikasan ng Diyos na Siya ay tunay at lagi nating kasama (EMMANUEL - Ang Diyos ay Laging nasa ating Piling) Kaya nga, ang Diyos kailanman ay hindi nawala, hindi mawawala at hindi nawawala. Siya ang Diyos na isinilang, nakipamuhay sa piling natin upang sabihin sa atin na bawat isa sa atin ay kailangan lagi niya makapiling. At iyan din ang ating gawing hiling, na manAtili tayo lagi sa kanyang piling dahil tayo ay kanyang mga supling.
– Fr. Mikhail Sandoval | Archdiocese of Lipa
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings