PAULINES

Mabuting Balita l Disyembre 9, 2022 – Biyernes


Listen Later

Mabuting Balita l Disyembre 9, 2022 – Biyernes

Ikalawang Linggo ng Adbiyento



Ebanghelyo: Mateo 11:16-19a

Sinabi ni Hesus sa mga tao: “Ngayon, kanino ko ikukumpara ang mga tao sa kasalukuyan? Para silang mga batang nakaupo sa mga plaza at nagkakantahan, at nagrereklamo ang ilan sa kanila: ‘Tinugtog namin ang plauta para sa inyo ngunit ayaw ninyong sumayaw, at nang umawit naman kami ng malungkot na awit, ayaw din ninyong umiyak!’ Ganito rin ang nangyari: Dumating muna si Juan na nag-aayuno, at sabi ng mga tao: ‘Inaalihan siya ng demonyo.’ At saka dumating ang Anak ng Tao na kumakain at umiinom, at ang sabi ng mga tao: ‘Lasenggo at matakaw, kaibigan ng mga publikano at mga makasalanan!’ Gayon pa man, magaling ang karunungan ng Diyos sa mga gawa nito.”

Pagninilay:

Paano ko maikukumpara ang henerasyon ngayon? Ilang taon na rin akong nag-a-accompany ng mga kabataan. Noong nasa ibang mission place ako, ganundin sa kasalukuyan sa Nueva Ecija, at dito sa Metro Manila. Makukulay ang aking karanasan sa paggabay ng kabataan ng ating Simbahan. Marami na rin akong na-encounter na hindi sila maintindihan ng mga nakakatanda. Sinasaway sila o kaya winawala ang kanilang presensya. Maingay daw. Kahit sawayin, babalik pa rin sila sa moment na para silang nasa top of the world. Ano nga ba ang henerasyon ngayon? Kapanalig, baka mainam na tanungin din natin tulad ni Pope Francis sa Christus Vivit: What are today’s young people really like? What is going on in their lives? Masasagot ang mga tanong na ito kung makikinig tayo sa kanila. I-set aside natin ang narrow preconceptions natin sa mga kabataan. Makiramay at hawakan ang kanilang kamay. Doon natin mararamdaman ang pintig ng kanilang saloobin. Mayroon silang kinakaharap na realidad sa kani-kanilang buhay. Marami sa kanila ang exposed sa suffering at manipulation. Ilan sa mga kabataan ang nakalublob sa karahasan. They live in war zones, ayon kay Pope Francis. Iba-ibang uri ng violence ang nararanasan nila. Naroon ang human trafficking, slavery, kidnapping, sexual exploitation, wartime rape na abortion ang nagiging solution. Nahihirapan sila na hanapin ang kanilang sariling lugar sa ating lipunan. By force of circumstance, at kulang sa alternatives, sila na mismo ang gumagawa ng krimen. Ginagamit sila bilang armed criminal gangs, child soldiers, drug traffickers. Walang kalaban-laban, nauuwi sila sa bilangguan. Kung lalawakan natin ang sensitivity natin sa kanila, marami sa kanila ang may genuine desire to develop their talents, para may i-offer sa Simbahan, at sa buong mundo. Dream nila to make a difference. Kaya’t tulungan natin sila. Mga kabataan, alam kong nanonod kayo ngayon at naririnig n’yo na malaki ang concern ng Simbahan natin sa inyo. We encourage you to go out. Kung nanghihina kayo, o nalilito, ask Jesus Master to renew you. Kay Jesus walang pag-asa na nuuwi sa pagkabigo. Narito rin kami, nagsisilbi kaming tagapakinig at taga-akay. Higit sa lahat, habang naghahanda tayo sa araw ng Pasko, keep our eyes fixed on the precious womb of Mary. Naroon si Jesus, naghihintay na isilang sa sarili nating puso. Mga kabataan, hindi lang kayo kabataan ngayon. You will always be young because Jesus is forever young. Shine like Jesus. Kaya sa susunod na may magtanong kung paano kayo maikukumpara bilang bagong henerasyon ngayon? Kayo ang mga kabataan, ang mga mukha ni Kristo. - Sr. Gemmaria dela Cruz, fsp | Daughters of St. Paul

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings