PAULINES

Mabuting Balita l Enero 3, 2024 – ⁠Miyerkulis⁠


Listen Later

Mabuting Balita l Enero 3, 2024 – Miyerkulis

Kabanal-banalang Ngalan ng ating Panginoong Hesus

Ebanghelyo: Juan 1:29-34

Nakita ni Juan Bautista si Hesus na papalapit sa kanya. Sinabi niya: “Hayan ang Kordero ng Diyos, ang nag-aalis ng kasalanan ng mundo. Ito ang tinutukoy ko nang sabihin kong ‘Nagpauna na sa akin ang lalaking kasunod kong dumating sapagkat bago ako’y siya na.’ Hindi ko nga siya nakilala pero dahil sa kanya kaya ako

pumaritong nagbibinyag sa tubig upang mahayag siya sa Israel.” At nagpatotoo si Juan: “Nakita ang Espiritu na bumababa mula sa langit gaya ng isang kalapati, at nanatili sa kanya. Hindi ko nga siya nakilala ngunit ang nagsugo sa akin na magbinyang sa tubig ang nagwika sa akin, ‘Kung kanino mo makita ang Espiritung
bumababa at nananatili sa kanya, siya ang magbibigay sa Espiritu Santo!’ Nakita ko at pinatotohanan ko na siya nga ang hinirang ng Diyos.”

 

Pagninilay:

Sa pagbibinyag ni Juan Bautista, noon din nabiyayaan siya na

masaksihan ang hiwaga ng pagkatao ng kanyang binibinyagan. Siya si Hesus na ang kahulugan ay “Ang Diyos ay Tagapagligtas”. Sa mismong pag-submit ng ating Panginoong Hesus sa tubig, habang bumababa ang Banal na Espiritu, tulad ng kalapati, ipinahiwatig ang pagliligtas Niya sa atin. It is a manifestation of
his “self-emptying”.  Who humbled himself and became obedient to death—sa pamamagitan ng Krus. Ito ang nagaganap sa Sakramento ng Binyag. Ayon kay San Pablo Apostol, ang sinumang binibinyagan, nakikiisa, sa kamatayan ni Kristo,
nalilibing at nabubuhay kasama Niya. Ito ang panibagong buhay na inihahandog sa atin. Nangangahulugan na nililinis, pinapawalang-sala at pinagiging banal tayo, sa pamamagitan ng Banal na Espiritu ng ating Poong si Hesus. Kaya mapalad tayo
sa pagiging binyagan. (Ipinapakita ang baptismal certificate) Itinatago nyo rin ba ang inyong baptismal certificate? Ito ang dokumento na itinatak sa ating kaluluwa at diwa, si Hesus bilang ating Kaligtasan. Nakatala ang ating pangalan, kung sino ang ating mga magulang, kung kailan tayo isinilang, kailan tayo bininyagan, kung sino ang nagbinyag sa atin at ang ating mga ninong at ninang.  Ikatlong araw na ngayon ng Year 2024, maging bahagi sana ng ating New Year’s resolution, na ipalinis sa ating Panginoong Hesus ang nadungisan nating balabal ng kawalang-sala noong bininyagan tayo. Humingi tayo ng tawad, sa malimit nating pag-violate sa ating sacred baptismal promises. At sana,
gawin nating best time of the day ang pagtanaw sa talukap ng mata ng bagong araw. Habang sinusundan natin nang tanaw ang pagtaas ng araw, pinupuri natin si Hesus na nagbuwal sa dilim ng gabi ng pagkakaalipin natin sa pagkakasala. Moment din ito, hindi lang ng pagbabago kundi ng pagiging instrumento ng pagbabago. Taas noo nating ipamalas ang tunay na pagiging ligtas. Ngayon, bukas, at sa buong taon.

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings