PAULINES

Mabuting Balita l Enero 4, 2024 – Huwebes


Listen Later

Mabuting Balita l Enero 4, 2024 - Huwebes

Santa Elisabet ana Seton

Ebanghelyo: Juan 1:35-42

Naroon [sa Betaraba, sa kabilang ibayo ng Jordan] si Juan at dalawa sa kanyang mga alagad. Pagkakita niya kay Hesus na

naglalakad, ito ang kanyang sinabi: “Hayan ang Kordero ng Diyos.” At narinig ng dalawang alagad ang kanyang binigkas at sinundan nila si Hesus. Lumingon si Hesus at nakita niya silang sumusunod sa kanya, at sinabi niya sa kanila: “Ano ang
hinahanap ninyo?” “Rabbi, saan ka nakatira?” “Halikayo at makikita ninyo.” At pumaroon sila at nakita nila kung saan siya tumutuloy, at maghapon silang nanuluyan sa kanya. Mag-iikaapat ng hapon ang oras noon. Si Andres na kapatid ni Simon
Pedro ay isa sa dalawang nakarinig kay Juan at sumunod sa kanya. Una niyang hinanap ang kapatid niyang si Simon at sinabi sa kanya: “Natagpuan namin ang Mesiyas.” Inihatid niya siya kay Hesus. Pagkakita sa kanya ni Hesus, sinabi niya: “Si Simon ka na anak ni Juan. Kefas ang itatawag sa iyo.”

 

 Pagninilay:

Sa ating liturhiya, tuwing pumapasok tayo sa bagong taon, ang ating mga pagbasa ay tungkol sa pagpapala ng Diyos. Noong January 1, ang ganda pong alalahanin ang salmong tugunan na nagsasabing: “Nawa’y kahabagan tayo ng Diyos, at pagpalain

kailanman…” Pero ano ba ang ibig sabihin ng pagpalain o pagpapala? Simple lamang po, ang ating pagiging laging bukas at tugon sa paggabay ng Diyos sa ating buhay. Kaya nga’t sa lahat ng mabuting nangyayari, salamat sa Diyos! Kung mayroon mang mabibigat, salamat pa din sa Diyos, dahil alam nating nariyan siya’t (Emmanuel) gumagabay palagi. Sa ating Mabuting
Balita ayon kay San Juan, napakagandang pakinggan ang mga unang salita ni Hesus —“ano ba ang inyong hinahanap?” tumugon ang mga alagad, “Saan ho ba kayo nananahan?” sumagot si Hesus—”Halikayo’t inyong makikita.” Alam niyo po, nagtungo sila at sinamahan si Hesus, nang isang buong araw!   Mga kapanalig, pagpapala, pagsunod, pagkilala. Ngayong bagong taon,
sana patuloy tayong mamuhay bilang taong pinagpala ng Diyos.  Ibig sabihin, mga taong ang hangad lagi ay manahan
kasama ang Diyos.  Pagsunod, ngayong taon sikapin nating sundan ang Panginoon. Pagkilala, sana wala na tayong iba pang sambahin at kilalanin kundi si Hesus.  Hindi naman perpekto si
Pedro, bilang alagad at apostol ni Hesus, pero binigyan siya ng
pangalan ni Hesus, Cephas, bato. Hindi batong maliit, batong sandigan at pundasyon. Ang ibig sabihin pa sa wikang ingles…reliable, stable, and resolute. Isang patunay na kung patuloy tayong mananahan sa piling ng Diyos, higit na pagpapalain ka niya; kikilalanin ka niya bilang alagad at anak niyang
natatangi sa Kanyang puso. Amen.

 

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings