PAULINES

MABUTING BALITA l HULYO 2, 2022 – SABADO


Listen Later

MABUTING BALITA l HULYO 2, 2022 – Sabado sa Ika – 13 na Linggo sa Karaniwang Panahon

San Bernardino Realino


Ebanghelyo: Mt 9:14-17

Lumapit ang mga alagad ni Juan at nagtanong: “May araw ng ayuno kami at ang mga Pariseo, at wala bang pag-aayuno ang iyong mga alagad?” Sinagot sila ni Hesus: “Puwede bang magluksa ang mga abay sa kasalan habang kasama pa nila ang nobyo? Darating ang panahon na aagawin sa kanila ang nobyo at sa araw na iyon sila mag-aayuno.” Walang mag tatagpi ng bagong tela sa lumang balabal sapagkat uurong ang tagpi at alo pang lalaki ang punit. At hindi karin naman mag lalagay ng bagong alak sa lumang sisidlan. Kung gagawin mo ito, puputok ang mga sisidlan at matatapon ang alak. At masisira rin ang mga sisidlan. Dapat lagyan ng bagong alak ang bagong sisdlan, sa gayo’y pareho silang tatagal.

Pagninilay:

COMPATIBILITY. Ito ang isang salita na magpapaliwanag ng buod ng ating Mabuting Balita ngayon. Ito rin kapanalig ang susi upang mahanap mo ang iyong forever. Sabi sa verse 17, kapag inilagay ang bagong alak sa bagong sisidlan sila ay nagtatagal. Gayon din sa pagtatagpi ng damit, lalong lalaki ang punit kapat tinagpi-an ng bago ang lumang damit. Hindi kasi sila compatible. Pero paano nga ba malalaman kung compatible ang dalawang bagay? Kung minsan mahirap hulaan. Kailangang subukan at tingnan if it will work. Ito rin marahil ang dahilan kung bakit may engagement period ang isang relasyon bago ang kasal. Ito yong yugto ng relasyon na nawawala na sa panahon ng instant generation kaya naman ang bilis ding maghiwalay. Sa ating Mabuting Balita, tinanong si Jesus ng mga alagad ni Juan kung bakit hindi nag-aayuno ang kanyang mga alagad. Togon ni Jesus, sapagkat hindi pa napapanahon. May panahon ng pag-aayuno at panahon ng pagsasaya. Kapanalig, hindi maramot ang Diyos. Hindi nya ipinagkakait na magsaya tayo. May panahon ang lahat ng bagay. Kapag time for celebration at nagfasting ka, kill-joy ang tawag sa iyo. Hindi rin sadista ang Diyos na natutuwang makita tayong nahihirapan at nagdurusa. He wants us to be happy in a right way, in a right time and place, so that when it’s time for silence, for prayer and fasting, we will have enough strength to endure till the end. Kapag lagi taong nasa kay Kristo, laging masaya ang ating buhay. Subalit kung mawalay tayo sa kanya dahil sa kasalan, yon marahil ang sandali na kailangan nating magfasting, upang mapaglabanan ang kamunduhan at manumbalik tayo sa piling nya. Kapanalig, natatagpuan ang forever kung kaisa natin si Kristo sa ating mga plano. Sr Lou Ranara

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings