Sign up to save your podcasts
Or

Mabuting Balita l Hulyo 28, 2023
Biyernes Ika – 16 Linggo ng Karaniwang Panahon
Ebanghelyo: MATEO 13:18-23
“Kaya pakinggan ninyo ang talinhaga tungkol sa manghahasik. Ang mga nakikinig sasalita ukol sa Kaharian ng Diyos ngunit hindi nakakaunawa ay tulad ng mga binhing nahasik sa tabing daan, dumating ang masama at inagaw ang nahasik sa kanyang puso. Ang binhing nahulog sa batuhan ay yaong nakikinig at masayang tumatanggap ng salita ngunit sa kawalan ng ugat ay hindi nagtagal at pagdating ng sakuna o pag-uusig ay nanghihina ang loob. Ang nahasik sa mga dawagan ay yaong nakikinig ng salita ngunit ito ay inilihis ng kabalisahan sa daigdig at ng hipo ngkayamanan kaya’t hindi nagbubunga. Ang nahasik sa mabuting lupa ay ang nakikinig ng salita at nauunawaan ito; dahil d’yan ay may nagbubunga ng tig-iisang daan, ng tig-aanimnapu, ng tig-tatatlumpu.”
Pagninilay:
Nitong nakaraang buwan, umani ng daang-libong tonelada ng kalabasa ang mga magsasaka sa Nueva Ecija na halos itapon nila dahil sa binabarat ng mga middlemen. Mabuti na lang may mababait tayong mga kababayan sa Rural Rising Philippines na tumutulong sa kanila upang madala ito dito sa Maynila at karatig-pook at mabili ito sa tamang presyo.
Ang Mabuting Balita sa araw na ito ay tinawag ni Hesus na Talinghaga ng Manghahasik o Parable of the Sower. Ipinaliwanag niya ang kahulugan ng iba’t ibang klase ng lupa na kumakatawan sa paraan ng pagtanggap ng tao sa binhi: nasa daan, mabato, may matitinik na halaman, at matabang lupa.
Madalas, tinatanong natin kung ano’ng klase ng lupa tayo. Pero sinasabi na ang binhi “äy namumunga nang sagana, may tig-iisang daan, may tig-aanimnapu, at may tigtatatlumpu.” Kahit na anong klase ng lupa, patuloy ang manghahasik na naghahasik, at sigurado ang ani dahil namumunga ito nang sagana.
Hindi talaga tungkol sa klase ng lupa ang talinghaga kundi tungkol sa Manghahasik. May nagsasabi nga na hindi raw mainam na magsasaka ang Diyos kasi nagsasayang siya ng binhi. Patuloy at walang-patumangga siyang naghahasik ng kanyangbiyaya, umaasa na may tutubo, kahit anong klase pa ng lupa tayo.
Pero ito
Gaya ng mga magsasaka ng Nueva Ecija, nagsikap silang maging masagana ang ani at hindi sila nawawalan ng pag-asa na ang kanilang pagsisikap ay magtatapos sa wala.
Manalangin tayo: Mapagmahal naming Ama, manalig nawa kami sa iyong mapagpalang biyaya na hindi ka napapagod at walang sawang nagpapatawad sa amin.Amen.
- Sr. Rose Agtarap, fsp l Daughter’s of St. Paul
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings