PAULINES

MABUTING BALITA l HULYO 3, 2022 – LINGGO


Listen Later

MABUTING BALITA  HULYO 3, 2022 – LINGGO

Ika – 14 na Linggo sa Karaniwang Panahon


Ebanghelyo: Lc 10:1-9

Humirang ang Panginoon ng iba pang pitumpu't dalawa at isinugo silang dala-dalawa na mauna sa kanya sa bawat bayan at lugar na takda niyang puntahan. Sinabi niya sa kanila: “Marami nga ang aanihin at kakaunti naman ang mga manggagawa; idalangin niyo sa Panginoon ng ani na magpadala siya ng mga mangagawa sa kanyang ani. Lumakad na kayo. Isinusugo ko kayong parang mga tupa sa gitna ng mga asong-gubat. Huwag kayong magdala ng pitaka, bag o mga sandalyas. At huwag niyong batiin ang sinuman sa daan. Saanmang bahay kayo pumasok, sabihin muna ninyo: 'Mapasatahanang ito ang kapayapaan!' Kung mapayapang tao ang naroon, sasakanya ang inyong kapayapaan. At kung hindi'y magbabalik sa inyo ang inyong dasal. At sa bahay na iyon kayo manatili; kumain kayo at uminom na kasalo nila sapagkat may karapatan ang manggagawa sa kanyang sahod. Huwag kayong magpapalit-palit ng bahay. Saanmang bayan kayo pumasok at tanggapin nila kayo, kanin ninyo anumang ihain sa inyo. Pagalingin din ninyo ang mga maysakit doon at sabihin ninyo sa kanila: “Palapit na sa inyo ang Kaharian ng Diyos.'”

Pagninilay:

Maging matapang na dala ang kapayapaan. Hindi ibig sabihin ng tapang ay nakadikit dito ang magulong laban. Kung ang apoy na nagliliyab sa ating mga puso, dahil tayo ay tinawag, tayo ay biniyayaan ng misyon tulad sa Mabuting Balita sa linggong ito ay nagmumula kay Kristo at si Kristo ang dahilan bakit ang tapang na ito ay nagniningas walang dapat ikabahala, ang kapayaan ni Kristo ang iyong dala at ibininabahagi. “Sumainyo ang kapayapaan!” pamilyar ang mga Salitang ito dahil ito ang banggit ni Hesus sa kanyang mga alagad kung sila ay may duda at takot. Mga kapanalig, hindi lang ang mga pari at madre ang hinahamon at pinapayuhan ng Mabuting Balita. Tayong lahat at mga tinawag na alagad upang magbahagi ng kapayapaan sa lahat. Kapayapaan ng relasyon. Kapayapaan na dala ang biyaya ng paggaling. Kapayapaan na hindi natatakot na ibahagi ang mga karanasan ng biyaya kay Kristo. Basi sa aking karanasan, hindi ito madali. Na para bagang isang sabi – “Sumainyo ang kapayapaan. Dapat din nating iwaksi ang gulo at ingay ng ating sarili - ang pagsala ng mga makasariling gusto. Mahalaga ang preparasyon ng ating puso. Tayo ay mga alagad na ang mga hibla ng misyon natin ay nakahabi sa kapayapaang dala ni Kristo. BRO. SAMMY

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings