PAULINES

Mabuting Balita l Hulyo 30, 2023 – Linggo


Listen Later

Mabuting Balita l Hulyo 30, 2023 – Linggo

Ika – 17 Linggo sa Karaniwang Panahon


Ebanghelyo: MATEO 13:44-52

Sinabi ni Hesus sa mga tao: “Naihahambing ang Kaharian ng Langit sa kayamanang nakatago sa isang bukid. Kung may makakakita nito, ibabaon niya ito uli; at dahil sa kanyang kaligayahan, ipinagbibili niya ang lahat niyang ari-arian, at binibili niya ang bukid. Naihahambing din naman ang Kaharian ng Langit sa isang negosyanteng naghahanap ng magagandang perlas. Pagkakita niya ng isang perlas na napakalaki ang halaga, umalis siya at ipinagbili ang lahat niyang ari-arian at binili ang perlas.” Naihahambing din naman ang Kaharian ng Langit sa isang malaking lambat na inihagis sa dagat at nakahuli ng kong anu-ano. Nang puno na ang lambat hinila ito papunta sa pampang at saka naupo ang mga tao at tinipon ang mabubuting isda sa mga timba at itinapon ang mga walang kwenta, ganito ang mangyayari sa katapusan ng mundo, lalabas ang mga anghel para ihiwalay ang masasama sa Mabubuti at itatapon sila sa nagliliyab na pugon kong saan may iyakan at pangangalit ng mga ngipin. At itinanong ni Hesus: “Nauunawaan ba ninyo ang lahat ng ito?” Kaya sinabi niya sa kanila: “Kaya bawat turo ng batas na tinuruan tungkol sa kaharian ay katulad ng ama ng tahanan na may tabihan at laging may bago at luma sa tuwing kukuha siya.

Pagninilay:

Ano ang yaman mo? May mga kayamanan na higit sa iba, yung walang katumbas ang halaga. Ito ang mga kayamanang higit sa ano pa mang salapi o ginto, mga kayamanang gaya ng edukasyon, kagandahang asal

at mabuting kalooban. Ito ang mga kayamanang mahirap matagpuan, at madalas taon ang binibilang upang unti-unting mahubog sa puso at isipan. Narinig natin sa Mabuting Balita ang yaman at perlas na di mamagkano lamang. The Pearl of Great Price – si Hesus mismo. Sabi nga ng isang awit. Ikaw ang aking Tanging Yaman na di lubusang masumpungan. Siya ang ating natatanging yaman na higit sa kahit anong
salapi o bagay o ginto ang halaga. Pero hindi madali na matagpuan si Hesus, ang ating Tanging Yaman. Kinakailangan ang pagsisikap, sakripisyo, pagtalikod sa iba pa nating mga pinanghahawakan at kinakapitang yaman.  Mga kapanalig, handa ba tayong bitawan ang
iba nating mga ginagawang kayamanan upang makapitan ang tunay na Kayamanan? Handa ba tayong talikuran ang ating mga nakasanayan at nakagawian upang makatagpo at masumpungan si Hesus mismo, ang Perlas natin at Tanging Yaman. Handa ba tayong mahalin ang ating kapwa upang mas makita natin si Hesus? Kung Oo ang ating kasagutan, nakatitiyak akong makikita at mahahanap natin si Hesus.

 

- Rev. Buen Andrew Cruz, SSP l Society of St. Paul

 

 

 


...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings