PAULINES

Mabuting Balita l Hulyo 4, 2023 – Martes


Listen Later

Mabuting Balita l Hulyo 4, 2023

Martes ng Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon




Ebanghelyo: Mt 8, 23-27

Sumakay si Hesus sa bangka at sumunod sa kanya ang mga alagad niya. Walang ano-ano’y nag karoon ng malakas na bagyo sa lawa. At parang matatabunan na ng mga alon ang bangka. Ngunit tulog si Hesus.Ginising siya nila na sumisigaw. “Panginoon, saklolo! Mamamatay tayo!” At sinabi ni Hesus, “Bakit kayo natatakot? Kayong napakaliit ng paniniwala!” Bumangon siya, at inutusan ang mga alon, at hangin, at tumahimik lahat. Nagulat ang mga tao at sinabi nila, “Anong klasing tao ito? Sumusunod sa kanya pati ang hangin at dagat!”

 

Pagninilay:

Kapag nakasakay tayo sa barko namamangha tayo sa kagandahan ng karagatan. Lalo na dito sa ating bansa, biniyayaan tayo ng Diyos ng magagandang karagatan. Noong nakalipas na summer, umuwi ako sa aming bayan sa Masbate. Sumakay ako ng barko. Sa kalagitnaan ng aming paglalayag, meron malakas na alon. Pero para sa amin palaging nagbabiyahe sa dagat, normal na ang ganung alon. Nakaramdam ng takot ang ibang mga kasamahan namin, dahil di sila sanay sumakay ng barko. Maliban sa sanay na akong sumakay ng barko, hindi ako nakaramdam ng takot dahil buo ang tiwala ko na kasama namin ang kapitan, at nanalig kami sa kanyang kahusayan sa pagpatakbo ng barko.  Sa ating buhay pananamplataya, minsan hinahambalos tayo ng malalaking alon ng problema at mga suliranin. Minsan napapasabi na lang tayo: “natutulog yata ang Diyos kasi parang hindi Niya pinapakinggan ang mga panalangin ko.” Sa ating mabuting balita ngayon, narinig natin na nakasakay si Hesus kasama ang mga alagad sa isang bangka. Bumugso ang malakas na alon, at natutulog ang Panginoong Hesus. Kaya nilapitan nila si Hesus at sinabi: “Panginoon, tulungan nyo kami.” Lulubog na tayo.”

 Mga kapanalig, sino kaya ang tunay na tulog sa ating Mabuting Balita? Ang mga alagad ng ating Panginoong HesuKristo ay gising na gising, pero tulog naman ang kanilang pananampalataya. Sa kabilang banda tulog na tulog ang ating Panginoong Hesukristo, pero gising na gising ang kanyang pananampalataya sa Diyos Ama. Kung lumubog man ang bangka na sinasakyan ng mga alagad, hindi nila alam na kasama nila sa paglubog ang ating Panginoong Hesukristo. At higit sa lahat kung lumubog man ang bangka, kayang-kaya silang iligtas ng ating Panginoong Hesukristo.

 Mga Kapanalig, mas makapangyarihan ang ating Panginoong Hesukristo kaysa sa ano mang mga unos at alon na dumarating sa ating mga Buhay. Kung itinuturing natin ang ating Panginoong Hesukristo, na kapitan ng ating mga buhay, wala tayong dapat ikatakot dahil siya

ang magbibigay ng direksyon sa ating mga buhay. Kasama natin siya sa bangka ng ating buhay, lumubog man ito, kasama natin siya at kayang-kaya niya tayon i-ahon. Panatilihin lang nating gising ang ating pananampalataya sa kanya.  Amen.

 

- Fr. Sebastian Gadia, SSP l Society of St. Paul

 



...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings