Sign up to save your podcasts
Or

Mabuting Balita | Hunyo 11, 2022
Sabado sa Ika-10 Linggo sa Karaniwang Panahon
Ebanghelyo: Mt 5:33-37
Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Ipahayag ang mensaheng ito sa inyong paglalakbay: ‘Palapit na ang Kaharian ng Langit.’ Pagalingin ang maysakit, buhayin ang patay, linisin ang mga may ketong at palayasin ang mga demonyo. Ibigay ninyo nang walang bayad ang tinanggap ninyo nang walang bayad. Huwag magdala ng ginto, pilak o pera sa inyong mga bulsa. Huwag magdala ng balutan o sobrang damit o sandalyas o tungkod sapagkat nararapat ang manggagawa sa kanyang ikabubuhay. Pagdating ninyo sa isang bayan o baryo, maghanap ng isang taong karapat-dapat at makituloy sa kanya hanggang sa inyong pag-alis. Pagpasok n’yo sa isang tahanan, dasalan ito ng kapayapaan. Kung karapat-dapat ang sambahayang ito, sasakanila ang kapayapaang dinasal ninyo; kung hindi naman karapat-dapat, babalik sa inyo ang inyong dasal.
Pagninilay:
Truth Should be Our Second Name
Nais ni Hesus sa ating ebanghelyo na itigil na ang pangangako. “Eh, bro, ibig sabihin ba nito masama ang pangangako?” Aba siyempre, hindi! Ibig lamang sabihin ni Hesus na bilang Kristiyano, bahagi ng ating pagkakakilanlan ang katotohanan at pagiging totoo. Ang Kristiyano, hindi na kailangan pang mangako bilang guarantee sa kanyang salita. Kapag sinabi niyang “Oo!” ang ibig sabihin noon ay oo. Pag sinabi niyang “Hindi!” ang ibig sabihin nito ay hindi. Walang lugar ang kasinungalingan sa buhay ng isang kristiyano. Walang lugar ang pagiging indifferent sa Pag-ibig at kabutihan sa isang Kristiyano. Truth should be our second name.
Gaya na lamang ng buhay ni San Barnabas na natiling tapat sa pag-ibig sa kanyang pagpapalaganap ng mabuting balita partikular sa mga Christian communities na kanyang naitatag sa Antioch (kung saan unang tinawag na mga “Kristiyano”) at sa iba pang mga Christian communities, manatili nawa tayong tapat at totoo sa Pag-ibig sa ating pamilya, mga kaibigan, at sa mga taong ating nakakadaupang-palad. Nawa, ang ating buhay ay hindi lamang maging isang pangako kundi isang buhay na “Oo!” sa Diyos at sa ating kapwa. Ian Gabriel Mary C. Ceblano, SSP
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings