PAULINES

Mabuting Balita l Hunyo 11, 2023 - Linggo


Listen Later

Mabuting Balita l Hunyo 11, 2023

Linggo sa Dakilang Kapistahan ng Kabanal-banalang Katawan at Dugo ng Panginoon (A)


Ebanghelyo:  JUAN 6:51-58

Sinabi ni Hesus sa mga Judio: “Ako ang tinapay na buhay, na pumanaog mula sa Langit. Kung may kakain ng tinapay na ito, mabubuhay siya magpakailanman. At ang tinapay na aking ibibigay ay ang aking laman alang-alang sa ikabubuhay ng mundo.” Nagtalu-talo kong gayon ang mga Judio at nagsalita: “Paano tayo mabibigyan ng taong ito ng karne para kainin?” “Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, kung hindi ninyo kakanin ang laman ng Anak ng Tao at iinumin ang kanyang dugo, hindi kayo magkakaroon ng buhay sa inyong kalooban. May buhay na walang hanggan ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo, at ibabangon ko siya sa huling araw. “Sapagkat tunay na pagkain ang aking laman at tunay na inumin ang aking dugo. Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay nananatili sa akin at ako naman sa kanya. Sinugo nga ako ng buhay na Ama at may buhay ako dahil sa Ama, gayundin naman dahil sa akin mabubuhay ang kumakain sa akin. “Ito ang tinapay na pumanaog mula sa Langit, hindi para kainin at mamatay tulad sa inyong mga ninuno. Mabubuhay naman magpakailanman ang kumakain ng tinapay na ito.”

 

Pagninilay:

Minsan, isang katekista ang nagtanong sa mga estudyante. “Class, magbigay nga kayo ng mga katangian ng Diyos?” Sabi ng unang estudyante, “Ma’am,

makapangyarihan ang Diyos (omnipotent). Nilikha niya ang langit at lupa, angmsangkatauhan, at patuloy na nagbibigay-buhay sa lahat dito sa daigdig.” “Magaling!,”nsabi ng guro. Ikalawang estudyante sumagot, “Ma’am, mahabagin ang Diyosm(merciful and compassionate). Dakila ang kanyang awa, pag-ibig, at pagpapatawad lalo na sa mga mababang kalooban at nagsisisi.” “Mahusay!,” sabi ng guro. Nagpatuloy ang guro, “Tingin ko ready na kayo mag-exams. Bago tayo mag-breaktime, puwede magbigay pa kayo ng isang katangian ng Diyos?” Sabi ng ikatlong estudyante, “Ma’am, God is edible. Hindi ba sa Eukaristiya ang Diyos ay pagkain para sa atin?!” Natawa ang klase, sabi ng guro, “Gutom lang iyan, breaktime na!” 

Mga kapanalig, maaaring nakakatawa ang kuwento, pero iyon ang pinakadiwa ng Eukaristiya. Ang Diyos ay hindi lamang mahilig magpakain; siya mismo naging pagkain sa atin, dala ng dakilang pag-ibig at karunungan niya. Alam ng Diyos na kung minsan ang ating isip at puso ay nasa ating tiyan, kaya

siya naging pagkain!  Si Hesus noong siya ay nabubuhay pa sa lupa, nagpakain ng libu-libo; sinasamahan kumain ang mga makasalanan at kinamumuhian ng lipunan. Alam na alam ng Diyos ang ating mga malalim na gutom at uhaw sa buhay—sa katotohanan, sa katarungan, sa kapatawaran, sa tunay na pag-ibig at pagkakaibigan, na Diyos lamang ang makakapagbigay.   Tunay nga ang nakasaad sa isang car sticker, “The only one who can satisfy the deep longings
of the heart is the one who created it.”

 

-  Fr. Angelo Paolo Asprer, SSP l Society of St. Paul

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings