Sign up to save your podcasts
Or

Mabuting Balita l Hunyo 15, 2023
Huwebes sa Ika-10 Linggo sa Karaniwang Panahon
Ebanghelyo: Mateo 5:20-26
Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Sinasabi ko sa inyo na kung hindi mas ganap ang inyong kabanalan kaysa mga guro ng Batas at mga Pariseo, hinding-hindi kayo makapapasok sa Kahariaan ng Langit. Narinig na ninyo na sinabi sa inyong mga ninuno: 'Huwag kang papatay; dapat managot ang pumatay.' Sinasabi ko naman sa inyo: Mananagot ang sinumang nagagalit sa kanyang kapatid. Mananagot sa Sanggunian ang sinumang uminsulto sa kanyang kapatid. Nararapat lamang na itapon sa apoy ng impiyerno ang sinumang manghiya sa kanyang kapatid. Kaya sa paglalagay mo sa altar ng iyong hain at naalaala mong may reklamo sa iyo ang kapatid mo, iwan mo muna ang iyong hain sa harap ng altar at puntahan ang iyong kapatid para makipagkasundo sa kanya. At saka ka bumalik at ialay ang iyong hain sa Diyos. Makipagkasundo na sa iyong kaaway habang papunta pa kayo sa hukuman, at baka ipaubaya ka niya sa hukom na magpapaubaya naman sa iyo sa pulis na magkukulong sa iyo. Talagang sinasabi ko sa iyo: hindi ka makalalabas hangga't hindi mo nababayaran ang kahuli-hulihang sentimo.”
Pagninilay:
“Kung hindi hihigit ang inyong kabanalan sa kabanalan ng mga eskriba at mga Pariseo hindi kayo makakapasok sa kaharian ng langit”. Ano ang
Pagpasok ko sa kumbento many years ago, natutunan ko, at nakaugalian ko nang gawin ang examination of conscience. Ito yung pagsusuri ng konsensiya sa tuwina; pag-usisa kung tama pa ba ang direksyon ng puso, at ibalik sa Diyos kung ito’y napalayo. Kung super busy tayo, gawin natin ang pagsusuri ng budhi sa gabi bago matulog.
Manalangin tayo:
O Kabanal-banalang Ama, igawad Mo po sa amin ang biyaya ng kabanalan. Amen.
- Sr. Evangelina Canag, fsp l Daughters of St. Paul
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings