Sign up to save your podcasts
Or

Mabuting Balita | Hunyo 18, 2022
Sabado sa Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon
Ebanghelyo: Mt 6:24-34
Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Walang makapagsisilbi sa dalawang amo; siguradong kamumuhian ang isa at mamahalin naman ang isa pa, o magiging matapat sa una at mapapabayaan ang pangalawa. Hindi kayo makapaglilingkod sa Diyos at sa pera. Kaya sinasabi ko sa inyo: huwag mag-alala sa kakanin at iinumin para sa inyong buhay, o sa idadamit para sa inyong katawan. Di ba't mas mahalaga ang buhay kaysa pagkain, at ang katawan kaysa damit? Tingnan ninyo ang mga ibon sa Langit: hindi sila naghahasik ni nag-aani, ni nag-iipon sa mga bodega, gayunma'y pinakakain sila ng inyong Amang nasa Langit. Di ba mas mahalaga kayo kaysa mga ibon? Sino sa inyo ang makapagdadagdag sa kanyang taas sa pagkabahala niya? At bakit kayo mababahala tungkol sa pananamit? Tingnan ninyo ang mga bulaklak sa bukid, sa pagtubo ng mga ito. Hindi sila nagtatrabaho o humahabi. Ngunit sinasabi ko sa inyo na kahit na si Solomon sa kanyang kayamanan ay hindi nakapagbihis gaya ng isa sa kanila. Kung ganito ang damit na ibinibigay ng Diyos sa mga damo - mga damong nasa bukid ngayon at susunugin bukas sa kalan-higit pa ang gagawin niya para sa inyo, mga taong kukunti ang paniniwala! Huwag na kayong mag-alala at magsabi: Ano ang ating kakainin? Ano ang ating iinumin? O, ano ang ating isusuot? Ang mga pagano ang nababahala sa mga bagay na ito, ngunit alam ng inyong Amang nasa Langit na kailangan ninyo ang mga ito. Kaya hanapin muna ninyo ang Kaharian at katarungan ng Diyos, at ibibigay rin sa inyo ang lahat ng ito. At huwag alalahanin ang bukas sapagkat bahala ang bukas na mag-alala sa kanyang sarili. Sapat na sa bawat araw ang sariling hirap nito.”
Pagninilay:
Paboritong past time mo ba ang overthinking? Sabi nga nila “Worrying is like sitting on a rocking chair, it gives you something to do, but it brings you nowhere” isa pa, “Worrying is the art of creating more problems.” Kaya naman mag-ingat sa pag-aalala at pag ooverthink! Ang Ebanghelyo po natin ang pinakamagandang tugon ng Diyos sa ating mag pag-aalala sa buhay. Kung ang ibon nga at mga halamang namumulaklak ay hindi pinababayaan ng Diyos, pano pa kaya tayo na higit niyang minamahal? Matuto nawa tayong ipasa Diyos ang mga suliranin kung mabigat na. Wala naman tayong ibang kakapitan at maaasahan kundi siyang hindi nagsasawang tumugon sa ating mga panalangin. Amen.
BRO. CESAR, SSP
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings