PAULINES

MABUTING BALITA l HUNYO 2, 2022 - HUWEBES


Listen Later

Mabuting Balita | Hunyo 2, 2022

Huwebes sa Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay


EBANGHELYO: Juan 17:20-26

Tumingala si Hesus sa Langit at nagsalita: “Hindi sila lamang ang aking ipinagdarasal kundi pati ang mga naniniwala sa akin sa pamamagitan ng salita nila. Maging iisa sana silang lahat kung paanong nasa akin ka, Ama, at nasa iyo ako. Mapasaatin din nawa sila upang maniwala ang mundo na ikaw nga ang nagsugo sa akin. Ipinagkaloob ko naman sa kanila ang luwalhating ipinagkaloob mo sa akin upang maging isa sila, gaya nang tayo ay iisa: ako sa kanila at ikaw sa akin. Kaya malulubos sila sa kaisahan, at kikilanlin ng mundo na ikaw ang nagsugo sa akin at nagmahal ako sa kanila gaya ng pagmamahal mo sa akin. Ama, sila ang ipinagkaloob mo sa akin kaya niloloob ko na kung nasaan ako’y makasama ko rin sila at makita nila ang kaluwalhatian kong kaloob mo sa akin sapagkat minahal mo ako bago pa man nagkaroon ng mundo. Makatarungang Ama, hindi kumilala sa iyo ang mundo; kumilala naman ako sa iyo at kinilala rin ng mga ito na ikaw ang nagsugo sa akin. Ipinahahayag ko sa kanila ang Pangalan mo at ihahayag pa upang mapasakanila ang pagmamahal mo sa akin at ako rin ay mapasakanila.”

Pagninilay:

Kakaiba po ang ating Ebanghelyo sa araw na ito. Hindi po natin nabasa na nangangaral, nagpagaling, may pinunintahan, o gumawa ng Milagro ang ating Panginoon-ngayong araw siya po ay nanalangin sa Ama para sa atin. Simple lang po ang panalangin ni Hesus- “Maging isa nawa silang lahat, Ama.” Pagkakaisa--Unity. Ang pagkakaisa po ay hindi nangangahulugang parehas ang bawat isa sa bawat aspeto ng galaw at pamumuhay. Ang tawag po doon sa ingles ay uniformity hindi Unity. Ang Pagkakaisa po ay sama-samang paggalaw, bamagamat maaaring nagkakaiba, ngunit iisa ang layunin at nais patunguhan, yan po ang unity. Kaya nga po sinsabi nga na UNITY THRIVES IN DIVERSITY. Sa ating pagkakakaiba-iba doon lumalago at nagpapatuloy ang ating pagkakaisa. Isipin niyo nalamang po lahat tayo’y magkakamukha, baka lugi kayo, o ako. Kung lahat po tayo ay pulis, lahat tayo’y madre o pari. Hindi din maganda-Uniformity. Si Hesus po nananalangin ng UNITY, pagkakaisa. Kaya nga’t ang panawagan sa atin ay malugod na tanggapin, iappreciate, magpasalamat sa kung ano mang talento, dunong, kakayahan, ang bawat isa na maiaambag niya tungo sa ating pagkakaisa. Maaaring magaling ka sa ariketektura, ngunit magaling ang isa sa medisina—edi yung doctor pag nagpagawa ng bahay sa Arkitekto lalapit at kapag ang arkitekto naman ang nagkasakit sa doctor lalapit.

Hari nawa maging buhay na kasangkapan tayo ng Diyos upang mapangyari ang kanyang masidhi at taimtim na panalangin-ut unum sint-magkaisa nawa tayo para sa kaganapan ng paghahari ng Diyos. Amen. Bro. Vinz Aurellano, SSP


...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings