PAULINES

MABUTING BALITA l HUNYO 20, 2022 - LUNES


Listen Later

Mabuting Balita | Hunyo 20, 2022

Lunes sa Ika 12 Linggo sa Karaniwang Panahon


Ebanghelyo:  Mt 7:1–5

Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Huwag humatol at di kayo hahatulan. Kung paano kayo humatol sa inyong kapuwa, gayon din naman kayo hahatulan, at susukatin kayo sa sukatang ginamit ninyo. Bakit mo tinitingnan ang puwing sa mata ng iyong kapatid? At di mo pansin ang troso sa iyong mata. Paano mo masasabi sa iyong kapatid: ‘Halika, at aalisin ko ang puwing sa iyong mata,’? Mapagkunwari! Alisin mo muna ang troso sa iyong mata, at saka mo makikita kung paano aalisin ang puwing sa mata ng iyong kapatid.”

Pagninilay:

Mapagpalang araw mga kapanalig! Maganda ang paalala sa atin ng Mabuting Balita ngayon. Wag maging mapanghusga base sa panlabas na anyo o kilos ng isang tao. Una, dahil hindi naman natin alam kung anong nasa sa loob ng ating kapwa. Hindi natin alam kung ano ang nag-udyok sa kanyang gawin ang isang bagay lalo na kung ito ay hindi sang-ayon sa ating paniniwala o expectations. Sabi nga ni San Pablo sa sulat niya sa mga taga-Roma (2:1-3) na kung pano mo hinihusgahan ang iba ay para mo na ring hinusgahan ang sarili mo dahil ginagawa mo rin ang ginagawa ng hinuhusgahan mo. Hindi man natin aminin o itago man natin ito sa iba --- lahat ng ito ay hindi lingid sa Diyos. Siya na nakakakilala sa buong pagkatao at nakakaalam ng laman ng isip at puso ng bawat isa sa atin. Sabi nga--- ang mga taong mapanghusga ay kulang ang kamalayan o pagkilala sa sarili. Dahil kung titinginan muna natin ang ating mga sarili--- mahihiya tayong manghusga ng iba… mahihiya tayong humarap sa Diyos. Pero higit pa rito ang punto ng Mabuting Balita sa atin ngayon. Sinasabi din sa atin ni Jesus na palawakin ang pag unawa sa iba habang patuloy niya tayong binibigyan ng pagkakataon na harapin ang ating mga pagkukulang. Nais ni Jesus na akayin tayong lahat sa landas ng katotohanan at pagbabalik-loob sa kanya sa pamamagitan ng pagsisi at pagtutulungan tungo sa kabutihan at kabanalan.

SR. REAJOY, FSP



...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings