Sign up to save your podcasts
Or

Mabuting Balita | Hunyo 21, 2022
Martes sa Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon
Ebanghelyo: Mateo 7:6, 12-14
Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Huwag ibigay ang banal sa mga aso o itapon ang inyong perlas sa mga baboy, at baka yapakan nila ito at balikan kayo at lapain. Kaya gawin ninyo sa iba ang gusto ninyong gawin sa inyo, ito ang nasa Batas at Mga Propeta. Pumasok sa makipot na pinto sapagkat malapad ang pintuan at malawak ang daan papunta sa kapahamakan, at marami ang pumapasok doon. Napakakipot naman ng pintong papunta sa buhay at mabalakid ang daan at kakaunti ang mga nakakatagpo rito.”
Pagninilay:
Sa ating pang araw-araw na buhay marami tayong pinagpipilian at ginagawang desisyon. Karamihan sa mga ito’y tungkol sa mga ordinaryong bagay lamang, tulad ng kung tutuloy ka ba sa iyong pupuntahan o hindi, bibili ka ba ng bagong t-shirt o pantalon . Pero ang ilan naman sa mga ito’y may di matatawarang malaking epekto sa buhay, para sa sarili man o sa ating kapwa. Ang isa sa pinakamahalagang desisyon na kailangan nating gawin, ay ang pagpili ng landas na tatahakin sa ating buhay. Ito na marahil ang pinakamabigat nating responsibilidad bilang tao. Dahil sa malaking pagmamahal ng Diyos, ipinagkaloob Niya sa atin ang kalayaang piliin kung paano gugugulin ang buhay na ipinahiram lamang Niya sa atin. Sa Mabuting Balitang narinig natin, inilahad ni Jesus ang dalawang landas na pwede nating pagpilian. Ang malawak at malapad na daan na madaling makita at tahakin at ang makipot na daan. Sa malapad na daan, hindi na nangangailangan ng kakaibang tiyaga at sakripisyo, kaya naman kaakit-akit ito sa mata ng nakararami. Pero sa dulo ng landas na ito, pawang kapariwaraan lamang ang naghihintay sa atin. Ang makipot na daan naman, mabalakid at hindi madaling tuntunin, nakakatakot pasukin, ay hindi karaniwang pinipiling tahakin. Pero ang pumipili rito ay nagtatagumpay sa huli dahil sa kabutihan ang kanyang hahantungan. Mga kapatid, tunay na akma ang turo ni Jesus para sa atin na araw-araw kailangang mamili sa pagitan ng mabuti at masama. Totoong mahirap gawin ang tama, dahil sakripisyo at pagbabago ng sarili ang hinihingi nito sa atin. Di hamak na mas madaling piliin ang malawak na daan dahil, sa pagtahak nito, sarili lamang nating kagustuhan ang sinusunod natin. Pero kung ating pagninilayan, mas mahirap tahakin ang malapad na daan dahil ang kaligayahang dulot nito ay pansamantala lamang at maaari pang ikapahamak ng ating kaluluwa. Samantala, ang makipot na daan ang tunay na “madali,” dahil mapayapa mo itong tatahakin kasama ang Panginoon.
- Rev. Fr. Januarius Ma. Paglinawan, MMHC | Marian Missionaries of the Holy Cross
Panalangin:
Panginoon, akayin Mo po ako sa landas na matuwid. Tulungan Mo po akong tahakin ang makipot na daan patungo sa buhay na ganap at kasiya-siya. Amen.
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings