PAULINES

MABUTING BALITA l HUNYO 24, 2022 - BIYERNES


Listen Later

Mabuting Balita | Hunyo 24, 2022

Dakilang Kapistahan ng Kamahal-mahalang Puso ni Hesus


Ebanghelyo:  Lk 15, 3-7

Sinabi ni Hesus sa mga Pariseo at mga guro ng batas, ang talinghagang ito sa kanila “Kung may isandaang tupa ang isa sa inyo at mawala ang isa sa mga ito? Hindi ba niya iiwan ang siyamnapu't siyam sa ilang para hanapin ang nawawala hanggang matagpuan niya ito?  At pag natagpuang ito’y masaya niya itong pipasan sa balikat.  At pagdating sa bahay ay tatawagin niya ang kanyang mga kaibigan at mga kapitbahay at sasabihin sa kanila, ‘Matuwa kayong kasama ko sapagkat natagpuan ko na ang nawawala kong tupa!’ Sinasabi ko sa inyo, magkakaroon din ng higit na kagalakan sa Langit para sa isang makasalanang nagsisisi, kaysa sa siyamnapu't siyam na matuwid na di nangangailangang pagsisi.”

Pagninilay:

Mapagpalang Kapistahan ng Kabanal Banalang Puso ni Hesus! Nawa’y patuloy na umaalab ng pagmamahal at pagkalinga ang ating mga puso tulad ng puso ni Hesus. Katiyakan, kapanatagan at radikal na pagmamahal ang hatid sa atin ng mga pagbasa sa araw na ito. Nakakataba sa puso na malaman mula sa Ebanghelyo kung gaano tayo kahalaga sa Diyos. Akalain nyo, handa nyang iwan ang syamnaput-syam alang alang sa isang nawawala, at sya’y nagdiwang hindi lamang mag-isa, kundi nangimbita pa ng ibang mag-sasaya dahil ito’y kanyang natagpuan. Marahil sa iba ay isa itong katangahan, o isang kabalintunaan ng buhay. Bakit ka nga ba naman susugal o iiwanan mo ang mas nakararami para sa isang nawawala o para sa isang pasaway? Mahirap unawain ngunit POSIBLE para sa isang tunay na Pastol. Ang isang tunay na Pastol ay di napapagod ang puso. Ito’y patuloy na nagmamahal, umaasa, naghihintay, nagpapaubaya. Sa kasalukuyang panahon, mayron pa bang tunay na mga Pastol? O baka masyado na tayong babad sa fake news sa social media kaya di na natin makita ang tunay na mukha ng isang mabuting Pastol! Di na natin alam paano magsiyasat ng tunay at huwad na Pastol. Para sa akin, ang mukha ng isang tunay na Pastol ay ating narinig sa mga pagbasa ngayong araw. Ito’y nararanasan ko sa mga taong nakakasalamuha ko araw-raw. Ito’y nakita ko sa isang Pastol ng ating bansa na naging liwanag sa gitna ng dilim dala ng pandemya, karukhaan at kawalan ng hustisya. Mas nakita ko ito sa kanyang mga salita, halimbawa at gawa. Lahat tayo ay mga Pastol saan man tayong estado ng ating buhay. Nawa’y patuloy tayong tumugon sa panawagan ni Hesus na maging radikal sa ngalan ng pagmamahal sa ating kapwa at bayan. Amen.

SR. CARMEL, FSP

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings