PAULINES

Mabuting Balita l Hunyo 25, 2023 – Linggo


Listen Later

Mabuting Balita l Hunyo 25, 2023 – Linggo

Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon (A)






Ebanghelyo: Mateo 10:26-33

Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Walang tinatakpan na di nabubunyag at walang natatago na di nahahayag. Ang sinasabi ko sa inyo sa dilim, ipahayag ninyo sa liwanag. Ang narinig ninyo nang pabulong, ipahayag mula sa bubong. “Huwag matakot sa mga nakapapatay ng katawan ngunit hindi ng kaluluwa. Matakot kayo sa may kapangyarihang sumira ng kaluluwa pati ng katawan sa impiyerno. Nabibili ang dalawang maya kahit na sa ilang sentimo, wala isa mang bumabagsak sa lupa na hindi niloloob ng Ama. At kayo, bilang na pati buhok sa inyong ulo. Kaya huwag kayong matakot: mas mahalaga kayo kaysa mga maya. Ang sinumang kumikilala sa akin sa harap ng mga tao ay kikilalanin ko sa harap ng aking Ama sa Langit. At ang ayaw kumilala sa akin sa harap ng mga tao ay hindi ko rin kikilalanin sa harap ng aking Ama sa Langit.

 

Pagninilay:

Ikaw ba ay isang taong matatakutin? Iba-iba raw ang klase o uri ng takot nating mga tao. May takot sa kamatayan, sa matataas na lugar, sa hayop, at iba

pa.  May totoong takot na nagmumula sa kinakaharap na panganib; mayroon ring hindi totoo o kathang-isip lamang. May pathological na maituturing na
karamdaman; nakakaramdam ng takot kahit walang panganib. May pisikal na takot na mula sa nakikita; mayroong ring sosyal na dala ng pakikisalamuha sa ibang tao o publiko. Kasinghaba ng buhay natin ang ating mga takot at pangamba! 

Mga kapanalig, muli nating narinig ang paalala at panawagan ni Hesus para sa ating mga tagasunod niya: huwag matakot. Sinasabing mahigit sa

tatlong daang (300) beses ang katagang “huwag matakot” na nakasaad sa Banal na Kasulatan. 

Magandang pagnilayan: hindi naman masama ang matakot. It is normal, it is human, it is even healthy to experience fear. Pero anong

klaseng takot mayroon tayo? Mabuti o masamang takot? Healthy or unhealthy fears? Marahil mas marami ang ating masamang takot na nakakaapekto hindi lamangsa ating kalusugan kundi sa ating buhay pananampalataya.  

Ang pagkakaroon ng banal na takot sa Diyos ay simula ng karunungan. Ang isang taong may malalim na takot sa Diyos, walang dapat katakutan.

 

- Fr. Angelo Paolo Asprer, SSP l Society of St. Paul

 

 


...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings