Sign up to save your podcasts
Or

Mabuting Balita | Hunyo 27, 2022
Lunes sa Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon
Ebanghelyo: Mt 8:18–22
Nang makita ni Hesus ang maraming taong nakapaligid sa kanya, iniutos niyang tumawid sa kabilang ibayo. May lumapit sa kanya na isang guro ng Batas na nagsabi: “Panginoon, susunod ako sa iyo saan ka man pumunta.” Sinabi ni Hesus sa kanya: “May lungga ang asong-gubat, may pugad ang mga ibon, ngunit wala man lang mahigan ng kanyang ulo ang Anak ng Tao.” Isa pa sa mga alagad ang nagsabi sa kanya: “Panginoon, pauwiin mo muna ako para mailibing ko ang aking ama.” Ngunit sinagot siya ni Hesus: “Sumunod ka sa akin, at bayaan mong ilibing ng patay ang kanilang patay.”
Pagninilay:
Mapagpalang araw kapanalig! Nung kapanahunan ni Jesus, ang mga alagad ang pumipili sa kanilang guro. Pero si Jesus ay may sariling patakaran: siya ang pumipili ng kanyang mga alagad ayon sa pinili na ng Diyos Ama. Ito ay binanggit niya sa Ebanghelyo ni Juan na walang makakalapit sa kanya kung hindi ito aakitin ng Ama na siyang nagsugo sa kanya. Kaya nga nung nilapitan siya ng isang eskriba – sila yung mga eksperto sa batas, matatalino at magagaling kaya’t may kakayahang magsulat ng ibat ibang klaseng dokumento… sa panahon natin ito yung mga gawain ng mga abogado. Kaya naman nung nagsabi ang eskriba kay Jesus na gusto niyang sumunod sa kanya --- hindi naman siya tinanggihan ni Jesus pero hindi rin siya sinabihang “sige tanggap ka na.” Ang sinagot ni Jesus ay paanyayang tingnang mabuti ang kalooban at tunay na layunin nito. Binibigyan niya ng pagkakataong makapag isip isip ang mga katulad ng mga Eskriba dahil walang maipapangakong seguridad sa buhay ang mga may nais sumunod sa kanya. Sa madaling salita posibleng mawala at ipaiwan sa kanya ang kung anong meron siya. Sa kabilang banda, sa mga alagad na ni Jesus, may paalala siya na ang mas mahalaga sa kanya ay ang pagiging tapat sa pangakong sumunod at ipatupad ang misyong ipinagkakatiwala sa kanila --- dahil ito ay pagtupad sa kalooban ng Diyos. Kaya’t kung may mga bagay, materyal man o relasyon na mas mahalaga at binabalik-balikan at tila hindi kayang maiwanan, maaring hindi ito ang buhay na para sa atin. Ang importante, mga kapanalig, na kapag tayo ay tinawag sa buhay na maglingkod ng lubos sa Diyos – nawa ay lubos din tayong magtiwala sa Kanya na hindi niya pababayaan lalo na ang mga taong mahalaga sa atin.
SR. REAJOY, FSP
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings