Sign up to save your podcasts
Or

Mabuting Balita | Hunyo 3, 2022
Biyernes sa Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Ebanghelyo: Jn 21:15-19
Nagpahayag si Hesus sa kanyang mga alagad nang makapag-almusal sila, sinabi ni Hesus kay Simon Pedro: “Simon, anak ni Juan, mahal mo ba ako nang higit pa sa mga ito?” “Oo, Panginoon, ikaw ang nakaaalam na iniibig kita.” “Pakanin ang aking mga kordero.” “Simon, anak ni Juan, mahal mo ba ako?” “Oo, Panginoon, ikaw ang nakaaalam na iniibig kita.” “Akayin mo ang aking mga tupa.” “Simon, anak ni Juan, iniibig mo ba ako?” “Iniibig mo ba ako?” “Panginoon, ikaw ang nakaaalam ng lahat; alam mong iniibig kita.” “Pakanin mo ang aking mga tupa. Talagang-talagang sinasabi ko sa iyo, nang bata-bata ka pa, nagbibigkis ka sa iyong sarili at palakad-lakad ka saan mo man loobin. Ngunit pagtanda mo’y ididipa mo naman ang mga kamay mo, at iba ang magbibigkis sa iyo at magdadala sa ayaw mo.” Tinukoy naman ito ni Hesus bilang pananda sa paraan ng kamatayang ipanluluwalhati ni Pedro sa Diyos. At pagkatapos nito ay sinabi niya: “Sumunod ka sa akin!”
Pagninilay:
Naranasan mo na bang mabigyan ng pagkakataong magmahal muli sa kabila ng iyong nakaraang pagkakamali? Bagong pagkakataon na magmahal ng tama at tapat dahil naranasan at natutunan mo ito sa taong lubos at dalisay ang pagmamahal sa iyo. Ito mismo ang naging karanasan ni Pedro, ang hinirang ni Hesus na maging punong pastol ng kanyang Simbahan. Si Pedro ay nangako na sumunod kay Hesus hanggang kamatayan. Ngunit siya ay natisod sa kanyang maling konsepto ng isang Mesiyas. Siya’y nadapa at di na panindigan ang klase ng pagmamahal na inakala niyang sapat na. Sa Mabuting Balita, narinig natin ang pagpapadalisay ni Hesus sa pagmamahal ni Pedro. Tatlong beses siyang tinanong ng Panginoon: “Iniibig mo ba ako?” Sa pambihirang tagpong ito ay nabigyan si Pedro ng pagkakataong ilatag ang katotohan ukol kanyang kakayahang magmahal. Sa kabila ng masigasig nyang pagsunod kay Hesus, kinailangan pa rin ni Pedro na matutunan ang uri ng pagmamahal ng Panginoon. Ito’y pagmamahal na ipinadama Niya nang Sya’y nagkatawang-tao at nanahan sa atin; nagsabuhay, nagturo at nagpahayag ng Kaharian ng Diyos; nagdusa, namatay at muling nabuhay. Mga kapanalig, si Hesus din ay kasama natin sa iba’t-ibang tagpo ng ating buhay. Sa mga tagpong ito, hayaan natin Siyang padalisayin din ang ating pagmamahal sa Diyos at sa ating kapwa. -Sr. Maria Janice Golez, PDDM | Disciples of the Divine Master
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings