Sign up to save your podcasts
Or

Mabuting Balita l Hunyo 4, 2023
Linggo sa Dakilang Kapistahan ng Tatlong Persona sa Isang Diyos
Ebanghelyo: Jn 3:16-18
Sinabi ni Hesus kay Nicodemo: “Ganito nga kamahal ng Diyos ang mundo! Kaya’t ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak upang hindi na mawala ang naniniwala sa kanya; magkakaroon nga siya ng buhay na walang hanggan. Hindi nga sinugo ng Diyos sa mundo ang Anak upang hukuman ang mundo, kundi upang maligtas ang mundo sa pamamagitan niya. Hindi hinahatulan ang naniniwala sa kanya. Ngunit hinatulan na ang hindinaniniwala, sapagkat hindi siya naniniwala sa Ngalan ng bugtong na Anak ngDiyos.
Pagninilay:
Mga kapanalig, ngayong Dakilang Kapistahan ng Banal na Santatlo, ipinagdiriwang natin ang pangunahing misteryo ng ating pananampalataya - ang Iisang Diyos, na nagpapakilala sa atin bilang Ama, Anak, at Espiritu Santo. Sa Mabuting Balita ngayong araw, narinig natin ang isa sa pinakatanyag at pinakakilalang talata ng Bibliya: "Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan" (Juan 3:16).
Ang talatang ito ay nagpapakita ng buod ng pagmamahal ng Diyos sa atin, isangpagmamahal na hindi natin kayang unawain, isang pagmamahal na walang kundisyon, at isang pagmamahal na handang mag-alay ng sarili. Lubos tayong minamahal ng Diyos kaya naman ipinadala Niya ang Kanyang bugtong na Anak sa mundo, upang mabuhay sa gitna natin, magturo sa atin, at mamatay para sa atin sa krus. Sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan at muling pagkabuhay, nag-aalok si Hesus sa atin ng handog na buhay na walang hanggan. Pero, ang handog na ito na buhay na walang hanggan ay hindi automatic, kailangan nating tumugon. Sinasabi sa atin ni Hesus sa Mabuting Balita, "Ang sumasampalataya sa Kanya ay hindi hahatulan, ngunit ang hindi sumasampalataya ay nahatulan na, dahil hindi siyasumampalataya sa pangalan ng bugtong na Anak ng Diyos" (Juan 3:18). Ang ating pananampalataya kay HesuKristo bilang Anak ng Diyos at Tagapagligtas ang susi sa ating kaligtasan.
Mga kapanalig, sa ating pagdiriwang ngayon, ipinapaalala sa atin, na ang Diyos ay siyang mapagmahal at maluwalhating Ama, na nagnanais na
-Fr. Rolly Garcia Jr. – Director of Biblical Apostolate of the Archdiocese of Manila
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings