PAULINES

Mabuting Balita l Hunyo 6, 2023 – Martes


Listen Later

Mabuting Balita l Hunyo 6, 2023

Martes sa Ika-9 na Linggo sa Karaniwang Panahon




Ebanghelyo: Marcos 12:13-17

Gustong hulihin ng mga Judio si Hesus sa sarili niyang mga salita. Kaya pinapunta nila kay Hesus ang ilan sa mga Pariseo kasama ng mga kampi kay Herodes. Nilapitan nila siya at sinabi: “Guro, nalalaman naming tapat ka at hindi napadadala sa iba. Hindi ka nagsasalita ayon sa kalagayan ng tao kundi tunay na itinuturo ang daan ng Diyos. Kaya ayon ba sa Batas na magbayad ng buwis sa Cesar?” Nang makita ni Hesus ang kanilang pagkukunwari, sinabi niya sa kanila: “Bakit n'yo ako sinusubok? Akin na ang isang denaryo.” Iniabot nila sa kanya ang isang denaryo at sinabi sa kanila ni Hesus: “Sino ang nakalarawan dito, na narito rin ang kanyang pangalan?” “Ang Cesar.” “Ibigay nga sa Cesar ang para sa Cesar, at sa Diyos ang para sa Diyos.” Lubha silang namangha sa kanya.

 

Pagninilay:

Legit daw ba na magbayad ng buwis sa Cesar?  Balak siluin ng mga Pariseo at kampon ni Herodes ang ating Hesus Maestro. Kaya, mula sa Wisdom and Truth ng ating Panginoon buong confident siyang tumugon. Matatalo ba ng mga kampon ng manlilinlang ang Makalangit na Karunungan? Di nga ba ang

Katotohanan ng Diyos ang nagpapasinag ng ating budhi? Siya ang nagbibigay sa atin ng maayos na pag-iisip, matuwid na pagpili at tamang pagkilos. Handog Niya ito sa atin para makayanan nating pangasiwaan nang may katatagan ng loob ang bawat realidad na kinakaharap natin. Ang nakakalungkot, may mga lumalason at sumisilo sa karunungan at katotohanan. Nagiging mansanas ang bayabas. Mali, di ba? Naalala ko ang greatest gathering ng TST o The Satanic Temple, noong April sa Boston, Massachusetts. Nakaka-attract ang kanilang misyon. Pakikiramay daw sa kapwa, pag-reject sa mga malulupit na namamahala, itinataguyod nila ang practical common sense and justice, humihikayat sa human conscience para mamahala sa marangal na hangarin. Heads up, mga kapanalig, lalo na ang mga kabataang Pilipino, they serve the will of Satan not God’s. May templo rin sila dito sa ating bansa. Nagbabalat-kayo sila na concerned sa kapwa. Mag-ingat tayo. Ipagdasal din natin ang mga cyber criminals, scammers at hackers, online harassment at pananakot. Sana, mapagtanto nila na nasa loob na sila ng bitag. Tayo naman, sa biyaya ng Katotohanan at Karunungan ng Diyos, ireject natin ang mga tuso. Besides, “we gain more if we say NO to lies.”     

-  Sr. Gemmaria de la Cruz, fsp l Daughters of St. Paul



...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings