Sign up to save your podcasts
Or

HUNYO 9, 2022 - HUWEBES
Ikasampung Linggo sa Karaniwang Panahon
Ebanghelyo: Mateo 5:20-26
Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: “Sinasabi ko sa inyo na kung hindi mas ganap ang inyong kabanalan kaysa sa mga guro ng Batas at mga Pariseo, hinding-hindi kayo makapapasok sa Kahariaan ng Langit. “Narinig na ninyo na sinabi sa inyong mga ninuno: 'Huwag kang papatay; dapat managot ang pumatay.' Sinasabi ko naman sa inyo: Mananagot ang sinumang nagagalit sa kanyang kapatid. Mananagot sa Sanggunian ang sinumang uminsulto sa kanyang kapatid. Nararapat lamang na itapon sa apoy ng impiyerno ang sinumang manghiya sa kanyang kapatid. Kaya sa paglalagay mo sa altar ng iyong hain at naalaala mong may reklamo sa iyo ang kapatid mo, iwan mo muna ang iyong hain sa harap ng altar at puntahan mo ang iyong kapatid para makipagkasundo sa kanya. At saka ka bumalik at ialayang iyong hain sa Diyos. “Makipagkasundo na sa iyong kaaway habang papunta pa kayo sa hukuman, at baka ipaubaya ka niya sa hukom na magpapaubaya naman sa iyo sa pulisya na magkukulong sa iyo. Talagang sinasabi ko sa iyo: hindi ka makalalabas hangga't hindi mo nababayaranang kahuli-hulihang sentimo.”
Pagninilay:
Makipagkasundo sa naka-away! Pagbibigay ng pagpapatawad sa mga nagkasala sa atin, tatak ito nang nagmamahal. Nakapakinig ako minsan sa katekista na nagpapaliwanag sa kanyang klase. Sabi niya, “Alam niyo ba na ang matinding galit sa kapwa’y maaaring katumbas na rin ng pagpatay? Kapag pinag-isipan mo ang iyong kagalit na may masamang mangyari sa kanya. Kaya, iwasan ang patuloy na pag-iisip ng masama sa kapwa.” Dagdag pa niya: “Ang utos na huwag pumatay, hindi lamang tumutukoy sa aktong pisikal, kabilang dito ang pag-iwas sa pagbibitiw ng masasakit na salita, na maaring magresulta upang mawalan ang tao ng pag-asa o masira ang kanyang loob.” Kapansin-pansin ngayon sa social media ang sobra-sobrang pagpapalitan ng hindi magagandang salita. Mga salitang naghahangad ng masama sa kapwa kahit hindi nga personal na kilala ang nagpo-post o nagme -message. Bugso ng damdamin ang pinaiiral at ipinahahayag sa mga comments section. Natural ang mag-react dahil sa hindi magandang ginawa na ating nakikita o nararanasan! Pero, kailangang suriin ang sarili, maliwanag ba sa akin kung ano ang tunay na pangyayari at ano ang ikinagagalit ko sa issue? Nag e engage ba ako sa social media para mas mapalawak ang aking pang –unawa sa paniniwala at pananaw ng iba? Handa ba akong tanggapin at respetuhin ang aking kapwa sa aming pagkakaiba? Maghatid nawa ng kabutihan at katotohanan ang aking presensiya, hindi lang sa kaharap o ka face to face ko kundi, maging sa social media. – Sr. Amelyne Paglinawan, fsp | Daughters of St. Paul
Panalangin:
Panginoon, turuan mo po akong maging mahinahon sa mga pagkakataong aking maramdaman ang aking galit nang magawa ko pa rin kung ano ang tama at kalugod-lugod sa iyo. Amen.
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings