PAULINES

Mabuting Balita l Marso 10, 2024 – Linggo


Listen Later

Mabuting Balita l Marso 10, 2024–Ikaapat na Linggo ng Kuwaresma (B)

Ebanghelyo: Juan 3:14-21

 Sinabi ni Hesus kay Nicodemo: “Kagaya ng pag tataas ni Moises ng Ahas sa Ilang. Gayon din naman kailanagn itaas ang Tao upang magkaroon ng buhay na walang hanggan. Ang bawat naniniwala sa kanya; ganito nga kamahal ng Diyos ang mundo. Kayat ibinigay niya ang kanyang bugtong na anak upang hindi na mawala ang naniniwala sa kanya. Magkaroon nga siya ng buhay na walang hanggan. “Hindi nga sinugo ng Diyos sa

mundo ang Anak upang hukuman ang mundo, kundi upang maligtas ang mundo sa pamamagitan niya. Hindi hinahatulan ang naniniwala sa kanya. Ngunit hinatulan na ang hindi naniniwala, sapagkat hindi siya naniniwala sa Ngalan ng bugtong na
Anak ng Diyos. “Ito ang hahatulan: dumating sa mundo ang liwanag pero higit pang minamahal ng tao ang karimlan kaysa liwanag, sapagkat masasama ang kanilang gawa. Napopoot nga sa liwanag ang nabubuhay nang masama at hindi lumalapit sa liwanag at baka mahayag ang kanyang mga gawa. Sa liwanag naman lumalapit ang gumagawa ng katotohanan upang mahayag na sa Diyos ginagawa ang kanyang mga gawa.”

 

 

Pagninilay:

“Ang namumuhay sa katotohanan ay lumalapit sa ilaw.” Si Hesus ang tinutukoy na ilaw sa ating Mabuting Balita ngayon ayon kay San Juan. Si Hesus ang ilaw dahil siya ang nagpakilala sa atin sa Diyos na hindi natin nakikita; at siya din ang naghayag ng mga plano ng Diyos para sa atin. Siguro’y madalas mong maitanong sa iyong panalangin: “Panginoon, ano ba ang plano mo para sa akin?”  Hindi man natin alam ang bawat detalye ng plano ng Diyos para sa ating buhay, alam naman natin kung saan ang tamang daan, patungo sa mabuting plano ng Diyos sa atin. Dahil siya ang ilaw sa ating mapanganib na daan, ang bawat pagpili natin sa katotohanan at mabuti, ay isang hakbang patungo sa plano ng Diyos sa atin. Anuman ang maging pagsubok sa ating matapat na pagpili sa katotohanan at mabuti, nakasisiguro tayong hindi tayo pababayaan ng gumagabay sa ating daan—si Hesus.

Manalangin tayo. O Hesus, tanglawan mo lagi ng iyong katotohanan, ang aking

paglalakbay sa mapanganib na daan ng buhay. Amen.

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings