Mabuting Balita l Marso 12, 2024 - Martes
sa Ikaapat na Linggo ng Kuwaresma
Pag katapos nito, May piyesta ng mga Judio at umahon si Hesus pa-Jerusalem. May isang paliguan sa Jerusalem na kung
tawagin sa Hebreo’y Betsata, na malapit sa Pintuan ng mga Tupa. May limang pasilyo ito na may bubong. Nakahandusay sa mga ito ang isang pulutong ng mga maysakit, mga bulag, mga pilay at mga lumpo na naghihintay sa pagkilos ng tubig. Naroon ang isang taong tatlong put taon ng maysakit. Nakita ni Hesus ang taong ito na nakahandusay at alam miyaa na matagal na ito roon. Kaya sinabi niya sa kanya: “Gusto mo bang umigi?” Sumagot sa kanya ang mga maysakit: “Ginoo, wala akong taong makapaghahagis sa akin sa paliguan kapag nakalawkaw na ang tubig. Habang paroon pa ako, lumulusong na ang iba at nauuna na sa akin.” Sinabi sa kanya ni Hesus: “Bumangon ka,
buhatin mo ang iyong higaan at lumakad!” At dagling umigi ang tao, binuhat niya ang kanyang higaan at lumakad. Araw nga ng Pahinga ang araw na iyon. Kaya sinasabi ng mga Judio sa taong pinagaling: “ Araw ng Pahinga ngayon at di ipinahihintulot na buhatin mo ang iyong higaan. Sumagot siya sa kanila: “Ang
nagpaigi sa akin ang siyang nagsabi sa akin: “Buhatin mo ang iyong higaan at lumakad ka.” Tinanong nila siya: “Sino ba ang nagsabi sa iyong: ‘Magbuhat ka nito at magklakad?” Ngunit hindi alam ng pinagaling kung sino siya, sapagkat nakaalis na si Hesus dahil maraming tao sa lugar na iyon. Pagkatapos nito natagpuan siya ni Hesus sa Templo at sinabi niya sa kanya: “Tingnan mo, maigi ka na. Huwag ka nang magkasala pa, at baka may masahol pang mangyari sa iyo.” Umalis ang tao at ipinahayag sa mga Judio na si Hesus ang nagpaigi sa kanya. Dahil dito, inusig ng mga Judio si Hesus sapagkat sa Araw ng Pahinga niya ito
Sa panahong ito ng Kuwaresma, isa sa mga paanyaya sa atin ay ang magsisi sa ating mga kasalanan. Iniimbitahan tayong
magpunta sa kumpisalan, at mangumpisal. Naglalayon itong mabigyan tayo ng paghihilom ng mga sugat sa ating puso, sa ating kaluluwa bunga ng ating pagkakasala. Pinagagaling ng Diyos sa tulong ng kumpisal ang ating mga sugat mula sa kasalanan. Pero, gaano ba ako kadalas mangungumpisal? Linggo- linggo, buwan-buwan, taon – taon, o araw-araw? Iba-iba ang maaaring sagot dito. Para mo na ring itinanong, gaano ba ako kadalas magkasala? Ilagay na lang natin sa halimbawa ng
pagkakasakit. Madalas kung nagkakasakit tayo, pupunta tayo sa doctor, magpapatingin, bibigyan ng gamot upang gumaling, pagkatapos nito, may mga pagkakataon na sinasabing, may follow up check-up para matiyak ang pagbabalik natin sa ganap
na kalusugan ng pangangatawan. Sa iba pa nga, ang check-up ay halos kada tatlong buwan o kaya dalawang beses isang taon. Depende sa pangangailangan ng may sakit o karamdaman.
Pero kapag magaling na, sasabihan tayo ng doctor. O magaling ka na ha, alam mo na ang mga bawal, mga dapat iwasan, tsaka
ang mga dapat na gamot bilang pananggalang o panlaban. Kaso, dyan tayo madalas sumasablay. Alam naman natin yung ‘di maganda, yung makasasama sa atin, yung nakakasakit sa iba, pero ginagawa pa rin natin. May mga spiritual vitamins at
maintenance naman tayo, kaso hindi natin sinusunod.
Sa tuwing magagawa natin ang ‘di dapat na nakasasama sa ating kalusugan – katawan man o kaluluwa, lagi tayong pinaaalalahanan – magtungo sa klinika de kumpisalan at lumapit sa ating Banal na Manggagamot – Si Hesus mismo. Humingi ng tawad at awa. At kung magaling ka na, sana laging dinggin ang Kanyang paalala - Magaling ka na, huwag ka na muling magkakasala pa. Amen.