Sign up to save your podcasts
Or

Mabuting Balita l Marso 15, 2023 – Miyerkules
Ikatlong Linggo ng Kuwaresma
Ebanghelyo: Mateo 5:17-19
Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Huwag n'yong akalain na naparito ako para pawalang-bisa ang Batas at Mga Propeta. Naparito ako hindi para magpawalang bisa kundi upang magbigay-karapatan. At talagang sinasabi ko sa inyo: habang hindi nagbabago ang Langit at lupa, hindi mababago ni isang kudlit o kuwit ng Batas: lahat ay matutupad. “Kung may lumabag sa pinakamaliit na ipinag-uutos ng Batas at magturo ng ganoon sa mga tao, ituturing din siyang pinakamaliit sa Kaharian ng Langit. Ngunit kung may magsasagawa at magtuturo ng mga ito sa mga tao, magiging dakila siya sa Kaharian ng Langit.”
Pagninilay:
“Huwag ninyong akalain na Ako'y naparito upang pawalang-bisa ang Batas o ang mga Propeta; Ako’y naparito hindi upang sila’y pawalang-bisa kundi upang tuparin.” Sa kasaysayan ng pagdating ng ating Panginoong Hesus, maraming mga propeta ang nagpahayag at nangaral na darating ang Anak ng Diyos. Napakahalaga nito sa mga Hudyo. Dahil sa maraming taon nang kanilang pagkaalipin sa Ehipto, ang Mesiyas, ang Anak ng Diyos, ang tanging pag-asa nilang magliligtas at magpapalaya sa kanila. Alam natin na hindi tinanggap ang Panginoong Hesus ng sarili niyang mga kababayan; dahil taliwas sa kanilang inaasahan ang nakita nilang Anak ng Diyos. Isang matapang na mandirigma ang kanilang inaasahan at hindi isang anak ng karpenterong nakilala nilang si Jose, asawa ng Mahal na Inang si Maria. Mga kapanalig, ang pagsilang ng Anak ng Diyos ay siya ring hudyat ng pagtupad at pagsunod sa kalooban ng Diyos Ama. Tinupad ng Panginoong Hesus ang kanyang misyon. Dahil ang pagsunod ay “mukha” o larawan ng pag-ibig. Sa ating Panginoong Hesus ang pag-ibig ay naging ganap at wagas. Binigyang diin din sa Mabuting Balita ang kahalagahan ng pagtupad sa Batas. Ang Batas na ibinigay kay Moises, na binuod sa dalawa. Una, Ibigin mo ang Diyos ng buo mong puso, ng buo mong kaluluwa at ng buo mong isip (Mt.22:37). At Ikalawa, Ibigin mo ang iyong kapwa, na gaya ng iyong sarili (Mt. 22:39) Amen.
Sr. Edith Ledda, fsp / Daughters of St. Paul
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings