PAULINES

Mabuting Balita l Marso 16, 2023 – Huwebes


Listen Later

Mabuting Balita l Marso 16, 2023 – Huwebes

Ikatlong Linggo ng Kuwaresma



Ebanghelyo: Luke 11:14-23a

Minsa'y nagpalayas si Hesus ng isang demonyo at ito'y pipi. Nang lumabas na ang demonyo, nakapagsalita ang pipi at namangha ang mga tao. Ngunit sinabi ng ilan sa kanila: “Pinalayas niya ang mga ito sa tulong ni Beelzebul na pinuno ng mga demonyo.” Gusto naman ng iba na subukin si Hesus at humingi sila sa kanya ng isang tanda galing sa Langit. Alam ni Hesus ang kanilang iniisip kaya sinabi niya sa kanila: “Mabubuwag ang bawat kahariang nagkakahati-hati at magigiba roon ang mga sambahayan. Ngayon, kung nagkakahati-hati si Satanas, paano magtatagal ang kanyang kaharian? Hindi nga ba't sinasabi n'yo na nagpapalayas ako ng mga demonyo sa tulong ni Beelzebul? Kung sa pamamagitan ni Beelzebul ako nagpapalayas ng mga demonyo, paano naman napalalayas ng iyong mga kaanib ang mga ito? Sila mismo ang nararapat sumagot sa inyo. Sa daliri ng Diyos ako nagpapalayas ng mga demonyo kaya sumapit na sa inyo ang Kaharian ng Diyos. Kung nasasandatahang binabantayan ni Malakas ang kanyang palasyo, hindi magagambala ang kanyang mga pag-aari. Subalit kung salakayin siya ng mas makapangyarihan sa kanya at talunin siya, maaagaw nito ang kanyang mga armas na kanyang inasahan at ipamamahagi ang kanyang mga ari-arian. “Laban sa akin ang hindi panig sa akin, at nagpapangalat ang hindi nagtitipong kasama ko.”

Pagninilay:

Ikaw na nga ang gumawa ng mabuti, minasama pa rin ng iyong kapwa. Hindi nalalayo si Hesus sa karanasang ito. Ginagawa niya ang nararapat para sa kanyang mga kababayan, pero siya’y inakusahan, na sa pamamagitan ni Beelzebul napapalaya niya ang mga inaalihan ng demonyo. Kaya naman upang ipamukha ang kanilang kahangalan sinabi ni Hesus sa kanila: Every kingdom divided against itself, will be laid waste, and house will fall against house. And if Satan is divided against himself, how will his kingdom stand? Sinusuma ito ng ating kasabihang united we stand, divided we fall. Kung watak-watak, magkakahiwalay tayo, wala tayong maisasakatuparan. Hindi tayo makakausad sa ating buhay. But if we are united in spirit, mind, heart, and soul, we become a strong force to reckon, at isang matibay na sandalan sa oras ng kagipitan at pangangailangan. Mga kapanalig, bigkisin natin ang ating buhay tulad ng walis ting-ting. Kung isa lang ito o kung mangilan-ngilan lang ito, hindi ito makawawalis ng tama at marami. Pero, kung maraming ting-ting at binibigkis ng isang tali, sigurado itong matibay at makawawalis ng wasto at marami. Iwaksi natin ang anumang pagka kanya-kanya, dahil gawain ito ng demonyo. Pinapabagsak tayo. Sinisira niya ang magandang pagsasamahan. Pinatitigas niya ang ating mga puso upang huwag makinig sa ating kapwa, lalo na sa Diyos. Umanib tayo kay Kristo na pinagmulan ng pagkakaisa, at hindi kay Satanas (Beelzebul) na dahilan ng pagkakabaha-bahagi.

Fr. Brian Tayag, SSP / Society of St. Paul

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings