Sign up to save your podcasts
Or

Mabuting Balita l Marso 19, 2023 – Linggo
Ikaapat na Linggo ng Kuwaresma (A) – Laetare Sunday
Ebanghelyo: Juan 9:1-41
Sa kanyang pagdaan, nakita ni Jesus ang isang lalaking ipinanganak na bulag. Lumura si Jesus sa lupa at gumawa ng putik mula sa lura at ipinahid ang putik sa mga mata ng tao. At sinabi niya sa kanya: “Humayo ka at maghilamos sa imbakan ng tubig ng Siloam. Kaya pumunta siya at naghilamos at umalis na nakakakita, kaya sinabi ng mga kamag-anak niya at ng mga dating nakakakita sa kanyang nagpapalimos: “’Di ba’t ito ang nakaupo at namamalimos?” Sumagot nag iba: “Ito nga siya!” At ang iba naman: “Hindi. Kamukha lamang niya!” Ngunit nagsalita siya: “Ako ba!” Dinala nila siya na dating bulag sa mga Pariseo. Araw ng pahinga noon nang gumawa si Jesus ng putik at nagpadilat sa kanyang mga mata. Kaya muli siyang tinanong ng mga Pariseo kung papaano siya nakakita. Sumagot naman siya sa kanila: “Pinahiran niya ng putik ang aking mga mata, naghilamos ako at nakakita.” Kaya sinabi ng ilan sa mga Pariseo: “Hindi mula sa Diyos ang taong iyan sapagkat hindi niya pinangingilin ang Araw ng Pahinga.” Ngunit sinabi naman ng iba, “Papaanong magagawa ng taong makasalanan ang ganitong mga tanda?” At nahati sila. Kaya sinabi nilang muli sa bulag: “Ikaw, anong masasabi mo tungkol sa kanya, sapagkat pinadilat niya ang iyong mga mata?” Kanya namang sinabi: “Siya ang Propeta!” Narinig ni Jesus na ipinagtabuyan ng mga Pariseo ang bulag. Pagkatagpo niya sa kanya, sinabi niya: “Naniniwala ka ba sa anak ng tao?” Sumagot siya: “Sino siya Ginoo para maniwala ako sa kanya?” Sinabi ni Jesus: “Nakikita mo Siya at Siya ang nakikipag-usap sayo.”
Pagninilay:
Hindi madali ang kumilos kung madilim ang kapaligiran. Andyan palagi ang pangamba na baka mabunggo, pangamba na madapa, dahil sa maling hakbang, o pwede tayong makaapak ng matutulis na bagay. Kung tayo ngang nakakakita, nahihirapan; paano pa kaya yung mga taong ipinanganak na bulag. Sa kabilang banda, mas malala ang ating espiritwal na pagkabulag, kung alam na nating mali ang ginagawa natin, pero hindi pa rin natin ito nakikita. At ang mas malala, kung ang mali, ginagawa na nating na tama; at ang tama, ginagawang mali.
Sa Mabuting Balita ngayon, pinagaling ng ating Panginoong Hesukristo ang isang bulag simula noong ipinanganak siya. Nakita siya ni Hesus at pinagaling, gamit ang putik na may laway ni Hesus. Sinabihan siya ni Hesus: “Pumunta ka sa deposito ng tubig sa Siloe (na ang kahuluga’y sinugo). Tunay nga na ang pagpapagaling ng ating Panginoong Hesukristo ay holistic o panlahatang aspeto. Hindi lang niya ginamot ang pisikal na pagkabulag nung lalaki, kundi maging ang espiritwal; at ibinalik pa siya sa kanyang komunidad. Mga kapanalig, kadalasan bulag tayo, dahil hindi natin nakikita ang kagandahang loob ng Diyos para sa atin. Bulag tayo kung patuloy tayong namumuhay sa kasalanan, kahit alam nating mali ang ating ginagawa. At dahil nga bulag tayo, mismong ang ating Panginoong Hesukristo na ang lumalapit sa atin, sa pamamagitan ng Sakramento ng kumpisal. Ang Panahon ng Kwaresma ay panawagan din ni Hesus sa atin, na buksan ang ating mga mata, upang makita ang kagandahang loob ng Diyos sa atin. Nais ni Hesus na makita natin kung gaano tayo kamahal ng Diyos.
Fr. Sebastian “Baste” Gadia, SSP / Society of St. Paul
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings