PAULINES

Mabuting Balita l Marso 2, 2024 - Sabado


Listen Later

Mabuting Balita l Marso 2, 2024

Sabado sa Ikalawang Linggo ng Kuwaresma

Ebanghelyo: Luke 15:1-3,11-32

 Lumapit kay Hesus ang lahat ng kolektor ng buwis at mga makasalanan para makinig. Kaya nagbulung-bulungan ang mga Pariseo at mga guro ng Batas, “Tinatanggap n’ya ang mga makasalanan at nakikisalo sa kanila.” Kaya sinabi ni Hesus ang talinhagang ito sa kanila: “May isang taong may dalawang anak na lalaki. Sinabi ng bunso sa kanyang ama: 'Itay, ibigay n'yo na sa akin ang parte ko sa mana.' At hinati sa kanila ng ama ang mga ari-arian. Pagkaraan ng ilang araw, tinipon ng bunsong

anak ang lahat ng kanya at naglakbay sa malayong lupain. Doon n’ya winaldas ang sa kanya sa maluwag na pamumuhay. Nang maubos na ang lahat sa kanya nagkaroon ng matinding taggutom sa lupaing 'yon at nagsimula siyang maghikahos Noon s’ya
natauhan at nag-isip: 'Gaano karaming arawan sa bahay ng aking ama na labis-labis ang pagkain at namamatay naman ako dito sa gutom. Titindig ako, pupunta sa aking ama at sasabihin ko sa kanya: 'Itay nagkasala ako laban sa Langit at sa harap mo..’ Kaya tumindig siya papunta sa kanyang ama.  Malayo pa s’ya ng matanaw ng kanyang ama at naawa ito. Patakbo nitong sinalubong ang anak, niyakap at hinalikan. Sinabi ng
ama sa kanyang mga utusan: 'Madali, dalhin n'yo ang dati niyang damit at ibihis sa kanya, sapagkat namatay na ang anak kong ito at nabuhay, nawala at natagpuan.’ At nagsimula silang magdiwang. Nagalit ang panganay at ayaw pumasok
kaya lumabas ang ama at nakiusap sa kanya.  'Anak, lagi kitang kasama at sa iyo rin ang lahat ng akin. Pero dapat lamang na magdiwang at magsaya tayo dahil namatay na ang kapatid mo at nabuhay, nawala at natagpuan.'”

 

Pagninilay:

Narinig natin ang akusasyon kay Hesus ng mga Pariseo at eskriba: “Nakikisalamuha si Hesus sa mga makasalanan at

nakikisalo pa sa kanilang pagkain.” Para kasi sa Hudyo noong panahon ni Hesus, ang pakikisalo sa pagkain ay ginagawa lamang ng mga magkakaibigan at magkakapamilya.” Ibig sabihin ba nito’y pamilya at kaibigan ang turing ni Hesus sa mga makasalanan? Oo, yun nga. Ang talinhagang narinig natin sa Mabuting Balita ngayon ay isang patunay, na kahit ang may pinakamalaking kasalanan sa mundo, ay may puwang sa puso ng Diyos. Dahil Diyos ang lumikha sa atin, alam niyang sa likod ng ating mga kasalanan ay isang pusong naghahanap kagalingan, liwanag, yakap, at pagmamahal ng Diyos.

Manalangin tayo. Ama, salamat sa hindi pagsuko sa amin. Patuloy mo kaming minamahal sa kabila ng aming paulit-ulit na kasalanan. Turuan mo kaming magbago at magbalik-loob sa’yo. Amen.

 

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings