Sign up to save your podcasts
Or

Mabuting Balita l Marso 20, 2023
Lunes sa Ikaapat na Linggo ng Kuwaresma
Ebanghelyo: Mt 1:16, 18-21, 24a
Si Jacob ang ama ni Jose—ang asawa ni Maria na siyang pinagmulan ni Hesus na tinawag na Kristo. Ito ang pangyayaring napapaloob sa kapanganakan ni Hesucristo. Ipinagkasundo na kay Jose ang kanyang inang si Maria pero bago sila nagsama bilang mag-asawa, nagdadalantao na siya gawa ng Espiritu Santo. Kaya binalak ni Jose na hiwalayan nang lihim ang kanyang asawa. Matuwid nga siya at ayaw niya itong mapahiya. Habang iniisip-isip niya ito, napakita sa kanya sa panaginip ang Anghel ng Panginoon at sinabi: “Jose, anak ni David, huwag kang matakot na tanggapin si Maria bilang iyong asawa. Gawa ng Espiritu Santo kaya siya naglihi, at manganganak siya ng isang sanggol na lalaki, na pangangalanganan mong Hesus sapagkat siya ang magliligtas sa kanyang sambayanan mula sa kanilang mga kasalanan.” Kaya pagkagising ni Jose, ginawa niya ang sinabi ng Anghel ng Panginoon at tinanggap niya ang kanyang asawa.
Pagninilay:
Napakahalaga ng papel na ginampanan ni San Jose sa kasaysayan ng ating kaligtasan. Isang binatang may takot sa Diyos, minamahal niya ng lubos si Maria, ang dalagang kanyang takdang pakakasalan. Pero, nakita natin kung papaanong isinantabi ni Jose ang kanyang mga plano para tuparin ang plano ng Diyos para sa kanila ni Maria. Si Maria ay piniling maging Ina ng Diyos, at siya naman ang magiging tagapangalaga ng isisilang ni Maria - Isang batang lalaki na papangalanan niyang “Jesus”, “…sapagkat ililigtas niya ang kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan” (1:21). Dakila si San Jose. Larawan siya ng isang alagad na masunurin. Handa niyang isuko ang lahat sa Diyos, pati ang kanyang mga pangarap. Kaya naman katulad ni Maria, si San Jose ay lubos ding pinagpala. Mga kapanalig, inaanyayahan tayo na laging tumulad kay San Jose. Hilingin din natin ang kanyang panalangin upang tayo din ay maging kalugod-lugod sa harap ng Diyos. Kung papaanong inalagaan at ipinagtanggol ni San Jose sina Maria at Hesus, aalagaan at ipagtatanggol din tayo ni San Jose sa mga kasamaan na maaring maghatid sa atin sa kasalanan at kapahamakan.
Fr. Rolly Garcia Jr. – Director of Biblical Apostolate of the Archdiocese of Manila
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings