Sign up to save your podcasts
Or

Dumampot ng mga bato ang mga Judio para batuhin si Hesus. Sinabi sa kanila ni Hesus: “Maraming mabubuting gawa ang itinuro ko sa inyo mula sa Ama. Alin sa mga ito ang dahilan kung baki't n'yo ako binabato?” Sinagot siya ng mga Judio:
Pagninilay:
Lagi nating nababasa ang bahaging ito ng Mabuting Balita, na tinangka ng mga taong batuhin si Hesus, dahil para sa kanila ipinapantay niya ‘di umano, ang kanyang sarili sa Diyos. Mauunawaan natin ito nang mas malinaw, kung titignan natin ang kultura ng mga Hudyo. Isang napakalaking pagkakasala
Pero alam nating lahat na hindi nagpapanggap si Hesus. Alam natin na siya at ang Ama ay iisa. Na siya ang Anak ng Diyos. Marahil mayroon ding ganitong pakiramdam ang mga taong muntik nang bumato kay Hesus. Hindi nila maituloy-tuloy dahil nakikilala nila siya, at nakita nila ang mga kagila-gilalas niyang ginawang himala. Naranasan nila ang pagpapagaling sa mga may sakit, ang pagsasalita ng mga pipi, ang pagkakarinig ng bingi at maging pagkakita ng mga bulag. Higit sa lahat, nakita nila mismo ang muling pagkabuhay ng namatay. Alam ng mga Hudyo na mga tanda ito ng Kapangyarihan at Gawa ng Diyos at ng Mesiyas na ipinangako. Handa na silang bumato, pero hindi nila maipukol-pukol dahil natatakot din sila – Hindi nila kayang batuhin ang Diyos. Kaya nga nagpatuloy pa rin siH esus. Pero kahit batuhin pa nila si Hesus, hindi siya titigil sabihin ang katotohanan at ipahayag ang paghahari ng Diyos sa sanlibutan. Sa ating panahon ngayon, mahilig tayong bumato ng maraming problema at paratang sa Diyos. Minsan grabe tayo pumukol ng kasalanan, na labis na ikinasusugat ng puso ng Diyos. Hindi natin
Sa papalapit na mga mahal na araw ipakikita at ipapaalala sa atin ng Diyos na kahit ilang beses natin siyang batuhin, pukulin, lumatay man ang daang latigo sa kanyang katawan, tatanggapin niyang lahat. Dahil kahit kailan, hindi niya iiwan ang kanyang minamaha na sambayanan. Hindi siya titigil, ni hindi mapapagod, lagi niyang ituturo ang daan ng kapatawaran at kapayapaan tungo sa buhay na walang hanggan.
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings