Sign up to save your podcasts
Or

Mabuting Balita l Marso 23, 2023
Huwebes sa Ikaapat na Linggo ng Kuwaresma
Ebanghelyo: Jn 5:31-47
Sinabi ni Hesus sa mga Judio: “Kung nagpapatotoo ako sa aking sarili, hindi mapanghahawakan ang patotoo ko. Ngunit iba ang nagpapatotoo tungkol sa akin at alam ko na mapanghahawakan ang kanyang patotoo tungkol sa akin. May patotoo naman ako na higit pa kaysa kay Juan – ang mga gawang ibinigay sa akin ng Ama upang tuparin ko ang mga iyon. Ang mga gawang ginagawa ko ay nagpapatotoo na sinugo ako ng Ama. At nagpapatotoo rin sa akin ang Amang nagsugo sa akin. Kailanma’y di ninyo narinig ang kanyang tinig ni nakita ang kanyang anyo. At hindi rin nananatili sa inyo ang kanyang salita dahil hindi kayo naniniwala sa kanyang sinugo. Sinaliksik ninyo ang mga Kasulatan sapagkat iniisip ninyong doon ninyo matatagpuan ang buhay na walang hanggan. Nagpapatotoo nga sa akin ang mga Kasulatan, ngunit ayaw ninyong lumapit sa akin para mabuhay. Hindi ko hangad ang papuri mula sa mga tao, ngunit alam kong walang pagmamahal sa Diyos sa inyong kalooban. Hindi ninyo ako tinatanggap sa pagdating ko sa ngalan ng aking Ama; kung sakaling may pumarito sa sarili niyang pangalan, siya ang inyong tatanggapin.. Huwag ninyong ipalagay na ako ang magsasakdal laban sa inyo sa harap ng Ama. Si Moises ang magsasakdal laban sa inyo, siya na inyong inasahan. Kung pinaniniwalaan nyo nga si Moises, paniniwalaan din sana ninyo ako, sapagkat tungkol sa akin ang sinulat niya. Ngunit kung hindi ninyo pinaniniwalaan ang mga sinulat niya, paano ninyong paniniwalaan ang mga pananalita ko?”
Pagninilay:
Datapwat may isa akong patotoo na higit pa sa patotoo ni Juan: ang mga gawaing ipinatutupad sa akin ng Ama, na siya kong ginagawa, ay nagpatotoo na sinugo ako ng Ama. Mga kapanalig, may mga pagkakataon sa ating buhay na nakikilala tayo o natatandaan, hindi sa ating pangalan kundi sa ating gawain, o kung ano ang ating hanap buhay. Narinig nating sinabi ng Panginoong Hesus, na ang kanyang mga gawain mismo ang nagpapatotoo sa Kanya, na isinugo Siya ng Ama. Kilalanin natin ang Panginoong Hesus sa pamamagitan ng araw-araw nating pagbabasa ng Biblia at pagsasabuhay ng Kanyang mga Salita. Sa ganitong paraan hindi tayo malalayo sa pagkilala sa Kanya at madali nating maisasabuhay ang maayos na relasyon sa Kanya. Mangyayari lahat bunga ng ating pagsisisikap, at sa tulong ng Banal na Espiritu.
Manalangin tayo:
Panginoon Hesus, mula sa kasaysayan, ipinakilala ka sa amin ng mga propeta at ng Diyos Ama. Nagpatotoo ang Ama na Ikaw ang Kanyang kinalulugdang Anak. Patuloy mo po kaming akayin at gabayan sa buhay naming tinatahak. Basbasan Mo po kami ng Iyong biyayang makalangit. Amen.
Sr. Edith Ledda, fsp / Daughters of St. Paul
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings