Sign up to save your podcasts
Or

Mabuting Balita l Marso 24, 2023
Biyernes sa Ikaapat na Linggo ng Kuwaresma
Ebanghelyo: Jn 7,1-2.10.25-30
Naglibot si Hesus sa Galilea, ayaw niyang mag libot sa Judea dahil ipinagtatangkaan siyang patayin ng mga Judio. Malapit na ang piyesta ng mga Judio, na piyesta ng mga Kubol. Pagkahaon ng mga kapatid niya sa piyesta, siya man ay umahon din, ngunit palihim at di lantad. Kaya pinagsasabi ng ilan sa mga taga Jerusalem. Hindi ba itong balak niyang patayin. Peru tingnan nyo, lantaran siyang nag uusap at wala silang anumang sinasabi sa kanya. Totoo kayang alam ng mga Pinuno na siya ang Kristo? Peru alam natin kong saan siya galing. Ngunit pagdating ng Kristo, walang nakakaalam kong saan siya galing. Kaya ng mangaral si Hesus sa Templo sumigaw siya “Kilala n’yo nga ako at alam ninyo kong saan ako galing, ngunit hindi ako pumarito saganang sarili ko. Sinugo ako ng totoo, na hindi ninyo kilala. Kilala ko naman siya sapagkat galing ako sa kanya at siya ang nag sugo sa akin.” Pinagtatangkaan nilang dakpin siya. Ngunit walang nag buhat sa kanya ng kamay. Sapagkat hindi pa sumasapit ang kanyang oras.
Pagninilay:
Kailangan pa bang iwaksi ang totoo, dahil iba o meron tayong higit na nais paniwalaan? Ganitong mga sitwasyon ang kadalasang tumatambad sa atin, kapag umiiral ang ating pagiging bulag sa katotohanan, lalo na kapag nasa panig ito ng kabutihan. Parang mas madali pa ang magduda, kapag may magandang ginagawa ang isang tao, dahil hindi mo ito inaasahan o hindi nya ito ginagawa ayon sa gusto mo. Gayundin parang mas madaling maghusga kaysa umunawa ng tao. Si Hesus mismo ay nakaranas nito mula sa mga taong batid nya, na nakakakilala sa kanya. Pero, sa halip na kilalanin sya, pinagbalakan pa sya ng masama. Mga kapanalig, hinahamon tayo ng Mabuting Balita ngayon na maging mulat at maging mapagpakumbaba sa pagkilala at pagpanig sa katotohanan, dahil dito tayo magiging malaya sa patuloy nating pagtahak sa tamang landas ng buhay.
Manalangin tayo: Panginoon, tulungan Mo po kaming makilala ka at magtiwala sa sayo. Maiwaksi nawa namin sa aming mga puso at isipan, ang pag-aalinlangan na ikaw ang tanging isinugo para sa aming kaligtasan. Amen.
Ms. Imelda Benitez - Dometita
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings