Sign up to save your podcasts
Or

Mabuting Balita l Marso 27, 2023
Lunes sa Ikalimang Linggo ng Kuwaresma
Ebanghelyo: Jn 8:1-11
Pumunta si Hesus sa Bundok ng mga Olibo. Maaga siyang muli sa Templo, at naglapitan sa kanya ang lahat ng tao, at pagkaupo niya, nangaral siya sa kanila. Dinala naman ng mga guro ng Batas at ng mga Pariseo ang isang babae, na huling-huli sa pakikiapid. Pinatayo nila siya sa gitna, at sinabi kay Hesus: “Guro, huling-huli ang babaeng ito na nakikiapid. Iniutos sa amin ni Moises sa Batas na batuhin ang ganitong mga babae; ano naman ang sabi mo?” Sinabi nila ito bilang pagsubok sa kanya upang may maisakdal sila laban sa kanya. Yumuko naman si Hesus at nagsulat sa lupa sa pamamagitan ng kanyang daliri. Nang magpatuloy sila sa pagtatanong sa kanya, tumindig siya at sinabi sa kanila: “Ang walang sala ang unang bumato sa kanya.” At muli siyang yumuko at nagsulat sa lupa. Ang mga nakarinig naman ay isa-isang nag-alisan magmula sa matatanda, at siya'y naiwang mag-isa pati na ang babae na nasa gitna. Tumindig si Hesus, at sinabi sa kanya, “Babae, nasaan na sila? May humatol ba isa iyo?” At sumagot siya: “Wala, Panginoon.” Sinabi ni Hesus: “Hindi rin kita hahatulan. Humayo ka at mula ngayon, huwag ka nang magkasala pa.”
Pagninilay:
“Humayo ka at huwag nang magkasala.” Ito na marahil ang pinaka-nakakaaliw na kataga para sa isang nagkasala. Mga kataga itong hindi nakatuon sa nakaraan, kundi sa pag-asa sa hinaharap. Nangangahulugan ito ng pagtitiwala, sa kabila ng kapalaluan. Tanda ito ng isang wagas na pag-ibig, na patuloy na kumakapit, kahit paulit-ulit na nagkakasala ang taong minamahal. Ito ang Mabuting Balita Kapanalig, na patuloy tayong binibigyan ng Diyos ng maraming pagkakataon, upang itama ang ating mga pagkakamali sa buhay. Hindi tayo hinahatulan ng Diyos habang humihinga pa tayo, dahil patuloy Syang kumakapit sa pag-asa, na matutunton rin natin ang daan pabalik sa Kanya. Alam nya ang ating mga kahinaan, pero patuloy nya tayong minamahal at pinapatawad. Kaya ito rin ang inaasahan nyang gagawin natin sa bawat isa. Kapanalig, ang hamon ni Jesus sa mga nais bumato sa babaeng nahuli sa pakikiapid, isang paanyaya sa atin na suriin ang ating kalooban bago tayo manghusga sa ating kapwa. Kung minsan kasi, ang lakas ng loob nating pansinin ang kamalian ng iba, pero hindi natin nakikita ang sarili nating mga pagkakamali. Samantalahin natin ang mga Spiritual exercises at confessions na inaalok sa atin ng ating Inang Simbahan ngayong Panahon ng Kuwaresma. Bigyan natin ng panahon ang ating sarili na manahimik, at magmuni-muni ng mga nagawa natin sa buong isang taon. May nakagalit ka ba, may nakatampuhan o nakaaway? Kung ramdam mo ang pagmamahal sa’yo ng Diyos, ikaw na ang maunang lumapit at bumati sa kanya.
Sr. Lou Ranara, fsp/ Daughters of St. Paul
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings