PAULINES

Mabuting Balita l Marso 28, 2024 – Huwebes Santo


Listen Later

Mabuting Balita l Marso 28, 2024 – Huwebes Santo

Ebanghelyo:  Jn 13:1-15

Bago magpiyesta ng Paskuwa, alam ni Hesus na dumating na ang kanyang oras. Naghahapunan sila at naipasok na ng

diyablo sa isip ni Judas na anak ni Simon Iskariote, na ipagkanulo siya. Alam ni Hesus na ipinagkaloob ng Ama sa kanyang kamay ang lahat, at mula sa Diyos siya galing at sa Diyos siya pabalik.

Kaya tumindig siya mula sa hapunan at hinubad ang tunika, at pagkakuha ng tuwalya ay ibinigkis sa sarili. Pagkatapos ay nagbuhos siya ng tubig sa hugasan, at nagpasimulang hugasan ang mga paa ng mga alagad at punasan ng tuwalyang nakabigkis sa kanya. Nang lumapit siya kay Simon Pedro, sinabi nito sa kanya. Hinding hindi mo huhugasan ang aking mga paa magpakailanman. Sumagot si Hesus sa kanya “Kung hindi kita

huhugasan, wala kang kaugnayan sa akin. Sinabi sa kanya ni simon Pedro. “Panginoon hindi lamang ang mga paa ko kundi pati na ang mga kamay at ulo ko.Sinabi sa kanya ni Heus “Mga paa lamang ang kailangan hugasan ng naligo  na dahil malinis na ang buo niyang sarili, malinis na nga kayo subalit hindi lahat”. Kilala n ani Hesus kung sino ang magkakanulo sa kanya. Kaya nang mahugasan niya ang kanilang mga paa, kinuha niya ang kanyang tunika, bumalik sa hapag at nagsalita sa kanila: “Nalalaman ba ninyo kung ano ang ginawa ko sa inyo? Kayo'y tumatawag sa aking 'Guro' at 'Panginoon.' Tama ang pagsasabi ninyo, dahil ako nga. Kaya kung hinugasan ko ang inyong mga paa, ako na siyang Panginoon at siyang Guro, gayundin naman kayo dapat maghugasan ng mga paa ng isa't isa.”   “Isang halimbawa ang ibinigay ko sa inyo upang gawin ninyo gaya ng ginawa ko sa inyo.”

 

 Pagninilay:

Naalala pa ba ninyo ang pagbisita sa bansa natin ni Pope Francis? Noong taong 2015, habang nandito si Pope Francis sa bansa natin, binisita siya ng kanyang mga kapatid na Heswita sa

kanyang tinutuluyang bahay.  Bago umuwi ang mga Heswitang Pilipino,  meron silang inihandog na kanta para sa mahal na santo papa, ang Amare et Servire, “To love and Serve the Lord”.  Simple, pero malalim ang mensahe ng kanta, at ito rin ang
ipinahahayag ni Hesus sa araw na ito: In everything, love and serve the Lord. Ito ang nagbigay ng mahabang pasensya kay Hesus, sa kahinaan ng pag-unawa ng mga alagad sa Kanyang mga salita, habang itinatag niya ang Banal na Eukaristiya. Gayundin, pagmamahal at paglilingkod ang dahilan, kaya hindi
inalintana ng Panginoon ang marumi at mabahong paa ng Kanyang mga alagad na buong kababaang-loob niyang hinuhugasan. Sadyang mas malakas ang pag-ibig ng Diyos sa kabila ng ating mga kahinaan dahil sa kasalanan. Kaya, katulad ni Hesus, kung ninanais natin na palaging masaya, malakas at
hindi mapagod gumawa ng kabutihan, gawin natin ito nang may buong-pusong pagmamahal at paglilingkod sa Diyos at kapwa. Amen.   

 

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings