Sign up to save your podcasts
Or

Mabuting Balita l Marso 3, 2023
Biyernes sa Unang Linggo ng Kuwaresma
Ebanghelyo: Mt 5:20-26
Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Sinasabi ko sa inyo na kung hindi mas ganap ang inyong kabanalan kaysa mga guro ng Batas at mga Pariseo, hinding-hindi kayo makapapasok sa Kahariaan ng Langit. Narinig na ninyo na sinabi sa inyong mga ninuno: 'Huwag kang papatay; dapat managot ang pumatay.' Sinasabi ko naman sa inyo: Mananagot ang sinumang nagagalit sa kanyang kapatid. Mananagot sa Sanggunian ang sinumang uminsulto sa kanyang kapatid. Nararapat lamang na itapon sa apoy ng impiyerno ang sinumang manghiya sa kanyang kapatid. Kaya sa paglalagay mo sa altar ng iyong hain at naalaala mong may reklamo sa iyo ang kapatid mo, iwan mo muna ang iyong hain sa harap ng altar at puntahan ang iyong kapatid para makipagkasundo sa kanya. At saka ka bumalik at ialay ang iyong hain sa Diyos. Makipagkasundo na sa iyong kaaway habang papunta pa kayo sa hukuman, at baka ipaubaya ka niya sa hukom na magpapaubaya naman sa iyo sa pulis na magkukulong sa iyo. Talagang sinasabi ko sa iyo: hindi ka makalalabas hangga't hindi mo nababayaran ang kahuli-hulihang sentimo.”
Pagninilay:
“Kung hindi hihigit ang inyong kabanalan sa kabanalan ng mga eskriba at mga pariseo, hindi kayo makapapasok sa kaharian ng langit.” Sa unang tingin, parang nakaka stress ang sinabing ito ni Jesus. Demanding, ika nga! Pero paano nga ba mailalarawan ang kabanalan ng mga eskriba at mga pariseo na kailangan nating higitan kung nais nating makapasok sa langit? Kapanalig, tinutuligsa ni Jesus ang kabanalan ng dalawang grupong ito, dahil kadalasan nakatuon sa mga panlabas na gawain ang kanilang pagpapakabanal. Nakikita ng mga tao na nag-aayuno sila at nagdarasal nang mahaba, pero nananatili silang mapanghusga at nag-iisip ng masama sa kapwa. Nasa loob sila ng templo o sinagoga, pero sa halip na magdasal at magpakabanal, binabantayan nilang magkamali si Jesus upang maipahuli nila sa mga alagad ng batas. Ngayong panahon ng Kuwaresma, inaanyayahan tayong suriin kung ano ang laman ng ating puso at kalooban, dahil dito nagmumula ang ating masasamang hangarin at gawa.
May kinikimkim ba tayong galit o inggit na maaring mag-udyok sa atin na magbitiw nang masasakit na salita, laban sa ating kapwa o manlamang sa kanila? Kapanalig, ito ang nais ni Jesus na pagtuunan natin ng pansin. Kaya sinasabi nyang kapag mag-aalay tayo at naalala nating may sama tayo ng loob sa ating kapatid, makipagkasundo muna tayo bago dalhin ang alay sa kanya. Ito ang alay na mas kinalulugdan nya: isang pusong dalisay na puno ng kabutihan.
Sr. Lou Ranara, fsp / Daughters of St. Paul
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings