PAULINES

Mabuting Balita l Marso 30, 2023 - Huwebes


Listen Later

Mabuting Balita l Marso 30, 2023 

 Huwebes sa Ikalimang Linggo ng Kuwaresma



Ebanghelyo: Jn 8, 51-59

Sinabi ni Hesus sa mga Judio “Talagang talagang sinasabi ko sa inyo, kong may magsakatuparan ng aking salita hinding hindi niya masisilayan ang kamatayan”. Kaya sinabi sa kanya ng mga Judio “Alam na namin ngayon na may demonyo ka nga, namatay si Abraham pati na mga propeta at sinasabi mong kong may mag sasakatuparan ng aking salita hinding hindi siya lalasap ng kamatayan, mas dakila kaba kaysa ninuno namin na si Abraham na namatay, maging ang mga propeta na namatay, at sino ka sa akala mo? Sumagot si Hesus: “Kong ako ang nag mamapuri sa sarili, walang saysay ang papuri ko ang aking Ama ang pumupuri sa akin. Siya na itinuturing nyo na inyong Diyos, hindi ninyo siya kilala ngunit kilala ko siya. Kong sabihin ko man na hindi ko siya kilala. Magsisinungaling akong tulad nyo. Ngunit kilala ko siya at isinasakatuparan ko ang kanyang salita. Si Abraham na inyong ninuno ay nagalak na makikita niya ang araw ng pagdating ko. Nakita nga niya at natuwa” Kaya winika ng mga Judio sa kanya: “Wala kapang liman pong taon at nakita muna si Abraham”. Sinabi sa kanila ni Hesus.” Talagang talagang sinasabi ko sa inyo, bago pa man ipinanganak si Abraham ako na nga” Kaya dumampot sila ng mga bato upang ipukol sa kanya. Nagtago naman si Hesus at umalis sa Templo.

Pagninilay:

Naranasan nyo na bang makipag-usap sa isang tao na pilosopo? Sa madaling salita, taong mahilig mangatwiran? Yung tataas ang blood pressure mo kung kausap mo sya? Sa narinig nating Mabuting Balita, talaga namang may katigasan ng pag-iisip ang mga Hudyo. Kahit anong paliwanag ng Panginoon Hesus na siya ang isinugo ng Ama, at maging ang Ama ay nagpatotoo na Siya ay Kanyang Anak; ang mga Hudyo ay nanatili sa katigasan ng kanilang puso. Mga kapanalig, sa ating buhay pananampalataya maaaring dumaan din tayo sa pagdududa sa presensya ng ating Panginoong Hesus, pero, harinawang manatili tayong matatag at matibay sa pag-asa, sa ating Panginoong Hesus. Ang Diyos Ama mismo ang nagsabi “Ito Ang Anak Kong minamahal na aking kinalulugdan: siya’y pakinggan ninyo (Mateo 17:5). Sa buhay natin may mga bagay na tanging puso lang ang makakasagot ng misteryo ng ating pinaniniwalaan.

Manalangin tayo:

Panginoong Hesus, gabayan mo po kami sa aming buhay pananampalataya. Tulungan Mo po kaming manalig at magtiwala sa Iyo. Patawad po sa kawalan namin ng matibay na pagtitiwala at pananalig. Sa mga pagkakataon na sumusuko kami dahil sa hirap ng buhay at karamdaman. Patuloy po kaming kakapit sa Iyong mga kamay. Amen.

Sr. Edith Ledda, fsp / Daughters of St. Paul

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings