PAULINES

Mabuting Balita l Marso 31, 2023 - Biyernes


Listen Later

Mabuting Balita l Marso 31, 2023 - Biyernes

Biyernes  sa Ikalimang Linggo ng Kuwaresma



Ebanghelyo: Jn 10:31-42

Dumampot ng mga bato ang mga Judio upang batuhin si Hesus. Sinabi sa kanila ni Hesus: “Maraming mabubuting gawa ang itinuro ko sa inyo mula sa Ama. Alin sa mga ito ang dahilan kung bakit n'yo ako binabato?” Sinagot siya ng mga Judio: “Binabato ka namin hindi dahil sa isang mabuting gawa kundi dahil sa paglapastangan sapagkat gayong ikaw ay tao, itinuturing mong Diyos ang iyong sarili.” Sumagot sa kanila si Hesus: “Hindi ba nasusulat sa Batas ninyo: 'Aking sinabi,” mga Diyos kayo” '? Kaya tinawag na mga diyos ang mga tumatanggap ng salitang ito ng Diyos, at hindi mapawawalang-saysay ang Kasulatan. Kung gayon, nang sinabi kong ako ang Anak ng Diyos—ako na pinabanal ng Ama at sinugo sa mundo –bakit n'yo sinasabing paglapastangan ito? Kung hindi ko ginagawa ang mga gawa ng aking ama, huwag n'yo akong paniwalaan. Kung ginagawa ko naman, kahit na hindi kayo naniniwala sa akin, maniwala naman kayo sa mga gawa. Kaya alam na alam nga ninyo na nasa akin ang Ama at ako'y nasa Ama.” Kaya muli nilang pinagtangkaang dakpin si Hesus ngunit nakatalilis siya sa kanilang kamay. At muli siyang lumayo pakabilang ibayo ng Jordan sa lugar na pinagbibinyagan ni Juan sa simula. At doon siya nanatili. Marami ang pumunta sa kanya at kanilang sinabi: “Hindi nga gumawa ng anumang tanda si Juan, pero nagkatotoo nga ang lahat ng sinabi ni Juan tungkol sa kanya.” At doo'y marami ang naniwala sa kanya.

Pagninilay:

May isang animated film po akong napanood na ang pamagat ay The Boy, the Mole, the Fox and the Horse. Sinabi ng mole sa batang lalaki: “One of our greatest freedoms is how we react to things.” Sa ating Mabuting Balita, ilang araw bago ang mga Mahal na Araw, inusig ng mga tao si Hesus tungkol sa kanyang pagpapahayag bilang Siya ang Anak ng Diyos. Nanatiling mahinahon ang ating Panginoong Hesus dahil kilala niya kung sino siya, alam niyang totoo at bukas sa puso ang kanyang salita at gawa. Mga kapanalig, sana matutunan din natin how to react to things well. Tulad ng ating Panginoong Hesus huwag nawa tayo matinag kung alam nating Totoo at Mabuti ang ating kinatatayuan. Huwag tayong tutulad sa mga taong nambuyo sa kanya, na kilala lamang ang mga milagrong kanyang ginawa. Tanggapin nating lubos si Hesus bilang Diyos at Panginoon ng ating buhay, Amen.

Cl. Vinz Aurellano, SSP / Society of St. Paul

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings