PAULINES

Mabuting Balita l Marso 4, 2023 – Sabado


Listen Later

Mabuting Balita l Marso 4, 2023 

 Sabado sa Unang Linggo ng Kuwaresma



Ebanghelyo:  Mt 5:43–48

Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Narinig na ninyo na sinabi: Mahalin mo ang iyong kapwa at kamuhian ang iyong kaaway. Ngunit sinasabi ko sa inyo: Mahalin n’yo ang inyong kaaway, at ipagdasal ang umuusig sa inyo. Sa ganito kayo magiging mga anak ng inyong Amang nasa langit. Sapagkat pinasisikat niya ang araw sa kapwa masama at mabuti, at pinapapatak ang ulan sa kapwa makatarungan at di-makatarungan. Kung mahal n’yo ang nagmamahal sa inyo, ano ang gantimpala n’yo? Di ba’t ginagawa rin ito ng mga pagano? Kaya maging ganap kayo gaya ng pagiging ganap ng inyong Amang nasa langit.”

Pagninilay:

Sa Unang Sulat ni Juan kanyang sinabi: Ang Diyos ay pag-ibig, ang sinumang tumatalima sa pag-ibig ay tumatalima sa Diyos; at gayon din ang Diyos sa kanya. Dagdag pa ni Juan: Kung minahal tayo ng Diyos, gayon din naman tayo’y magmahalan sa isa’t-isa. Para sa nakararami, ang pag-ibig ay para lang sa mga kaibigan, sa mga kakilala at miyembro ng pamilya. Ganito ang pakahulugan nila sa ‘neighbor’ o kapwa. Ganito rin ang mga Hudyo. Hinihimok tayo ng Panginoon na huwag nating limitahan ang konsepto ng ‘neighbor’ o kapwa. Neighbor is anybody who crosses my path and needs my help. Sinabi ni Hesus, “Love your enemies and pray for those who persecute you, so that you may be children of your Father in heaven.” Sa ganitong klaseng pagmamahal, makikita ang tunay na pagiging Kristiyano. Our enemies become our neighbor. Sa papaanong paraan? Huwag gumanti. Hindi natin mawawakasan ang kasamaan, sa pamamagitan ng isa pang kasamaan. Bagong pananaw ang ibinibigay sa atin ni Hesus. Christ accepted the violence of suffering and death and refused retaliation. Mula sa krus sinabi niya: Ama, patawarin mo sila sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa. Panghuli, to pray for our enemies. Ito’y tipikal na pagiging tunay na Kristiyano. Kung maipagdarasal lang sana natin ang ating mga kaaway, unti-unting magbabago ang lahat. For nothing is impossible in prayer. Malay mo, dahil sa iyong mga panalangin, magbago ang katulad ng isang Saul na naging Pablo. At gayon din makapangyarihan ang panalangin ni Sta. Monica sa kanyang anak na si San Augustine. Sa ganitong diwa, nagiging kawangis tayo ang Diyos.

Fr. Brian Tayag, SSP / Society of St. Paul



...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings